
A Whole New World
Fairy tale
Happy ending
Happily ever after
Alam kong sa henerasyon ngayon, marami na ang hindi naniniwala sa mga salitang iyan. Katuwiran nila, wala raw ganoon sa totoong buhay kasi lahat ng tao ay mamamatay o di kaya wala iyan at hindi totoo kasi hindi naman sila masaya. Marami pang dahilan na hindi ko matanggap dahil sa totoo lang, may fairytale naman talaga. Hindi lang nakikita ng iba kasi hindi sila marunong makuntento, lagi na lang may kulang.
Isa pa, wala naman daw kasing magic sa mundo kaya hindi totoo ang fairytale. Paano kaya kung titingnan ang magic sa ibang aspeto? Kung tutuusin, napaka-magical naman talaga ng buhay, e, hindi natin ito alam dahil ayaw nating tingnan at sadyang tinatakpan natin ng negatibo ang positibo.
Oo, wala pa akong boyfriend dahil teenager pa lang. Pero hindi ibig sabihin noon bitter ako dahil alam kong marami pa ring dahilan para maging masaya. Alam ko ring may happy ending dito sa mundo. Hindi naman ipapamulat sa mga bata ang fairytale stories gaya ng kay Aladdin kung hindi totoo, e. Paano ko nasabi? Dahil nakikita ko ito sa ibang aspeto.
Isa na rito ang pag-ibig. Alam kong mayroon pa ring mga tao na dalisay at wagas kung umibig, gaya ng mga nasa fairy tale stories. Iba nga lang ang paraan at may kalakip itong sakit sa bawat pagsubok na kailangan nating lampasan mapatunayan lang ang pag-ibig natin. Hindi rin ito tipikal na darating si Prince Charming at sasagipin ang prinsesa, dahil hindi natin kaibigan ang tadhana. Hindi nalalayo ang kaniyang paghamak sa di mapapantayan nating hangarin na umibig at ibigin.
I am not going to introduce myself as of now, but let me tell you my story. Let me tell you my life and how I was brought to a whole new world.
Read
Chapter: Kabanata 6Braille paper, slate, stylus. Iyan ang mga kagamitan na ginagamit naming mga bulag kapag magsusulat kami. Mayroon ding tinatawag na brailler which is para siyang type writer pero braille paper nga lang ang ipapasok. Hindi kasi puwedeng basta papel lang dahil maaaring masira lang ito. Ang braille paper, mas matigas siya ng dalawang beses kaysa sa pangkaraniwang papel, kaya hindi masisira.Siyam lang ang magkakatabing pindutan ng brailler. Ang dots 1, 2, 3, 4, 5, at 6 na siyang nagiging gabay sa pagsulat ng braille, backspace, at new line. Iyan ang magkakatabing pindutan tapos may parang slider siya sa may bandang itaas na ginagamit para maibalik mo sa pinakagilid ng linya ang pantuldok noon para makasulat ka na ulit.Iyan lang naman ang mga nasa lamesa ko ngayon. Kasalukuyan akong gumagawa ng mga takdang aralin sa aking kuwarto at aaminin kong napakarami nito para sa isang grade 7. Sabi naman ng teacher namin, training daw ito para pagdatin
Last Updated: 2020-10-03
Chapter: Kabanata 5"Hindi mo na yata naaalala ang sinabi ko sa Iyo, Ate! Patawarin mo kung wala akong respeto sa iyo sa pagkakataong ito pero sukat na!""Bakit? Ako naman ang nag-aalaga sa kaniya kaya didisiplinahin ko siya sa paraang alam ko!""Didisiplinahin? For what? For the reason you don't like her?"
Last Updated: 2020-10-03
Chapter: Kabanata 4Kinabukasan, ihinatid kami, sa dati kong school noong kinder pa ako dahil may gaganapin daw na something training doon na hindi ko alam dahil wala naman akong paki. I forgot to mention. Nagbigay ng letter sa school namin na pinapapunta nga nila ako sa kung ano man ito at kailangan kong magsama ng isang kakilala ko o isang estudyanteng sighted. Si Aladdin na ang isinama ko, yaman din lamang na nagprisinta naman siya.Pagkarating namin doon, sumalubong sa akin ang mga staff at siyempre, ipinakilala ko na rin sa kanilang lahat it
Last Updated: 2020-10-03
Chapter: Kabanata 3Tatlong araw makalipas ang tagpong iyon, nasa akin pa rin iyong Sampaguita na binig ay ni Aladdin. Pagkauwi ko kasi noon, nilagay ko iyon sa tubig para mabubuhay pa rin siya, gaya ng mga sinabi niya na hindi mamatay-matay at hindi mawala-wala sa isip ko. Naririnig ko pa hanggang ngayon ang boses niya noong sinabi niya na, "Ako ang Aladdin mo, Princess Jasmine."Alam kong may kakaibang dulot ang mga katagang iyon sa akin, pero lalo akong na-motivate ng mga iyon. Naramdaman ko kasi ang pagkakaroon muli ng kakampi. Pakiramdam ko, may isang tao na proprotekta sa akin at magpapasaya, iyong tipo ng tao na ayaw niya akong makitang umiiyak kas
Last Updated: 2020-10-03
Chapter: Kabanata 2 "I guess, without you, I am just Aladdin."Sa lahat ng sinabi niya, hindi ko talaga makalimutan iyon. Natatandaan ko na sa Aladdin na movie, sa Genie niya sinabi ang mga salitang iyon, e, so bakit sa akin niya binitiwan? Mukha na ba akong Genie sa paningin niya? Kung oo, I hope he's not going to set me free para sa kaniya lang ako. Wait what? Ano ba itong iniisip ko? Mali ito! Binabawi ko!
Last Updated: 2020-10-03
Chapter: Kabanata 1"Ate, gumising ka na! Basang-basa na ng luha iyang mata mo, o!" Napabalikwas ako sa pagkakahiga nang marinig ang boses na iyon, idagdag pa ang sikat ng araw na dumadampi sa aking balat."Mamaya na, inaantok pa ako, e.""Ate, papasok pa tayo, o. Saka mukha bang makatutulog ka pa sa ganiyang lagay?" Hindi pa man nakasasagot, nakaramdam ako ng may kaliitang kamay na humahaplos sa dalawa kong mata. Doon ko na lang napansing mahapdi pala ito, malamang namamaga.Hindi pa rin ako gumagalaw sa posisyon ko. Hindi ko kasi alam ang gagawin kung sakaling magkatotoo nga ang panaginip na iyon. Mas mabuti na iyong nahiwalay sa amin si Papa kaysa naman magkahiwa-hiwalay kaming pamilya."Nandiyan ba ang mamma, Cas?" tanong ko para subukang ibahin ang usapan. Alam ko kasing itatanong niya kung ano'ng iniyakan ko at ayaw ko nang sagutin iyon."Oo, nasa kusina. Bakit?"Sinubukan kong umisip ng iba pang
Last Updated: 2020-10-03

A Whole New World
Fairy tale
Happy ending
Happily ever after
Alam kong sa henerasyon ngayon, marami na ang hindi naniniwala sa mga salitang iyan. Katuwiran nila, walang ganoon sa totoong buhay kasi lahat ng tao mamamatay o di kaya wala iyan at hindi totoo kasi hindi sila masaya. Marami pang dahilan na hindi ko matanggap dahil sa totoo lang, may fairytale naman talaga. Hindi lang nakikita ng iba kasi they are asking for so much more.
Isa pa, wala naman daw kasing magic sa mundo kaya hindi totoo ang fairytale. So Paano kaya kung titingnan ang magic sa ibang aspeto? Kung tutuusin, napaka-magical naman talaga ang buhay e, hindi lang natin ito alam dahil ayaw nating tingnan o sadyang tinatakpan lang natin ng negatibo ang positibo.
Oo, wala pa akong boyfriend dahil teenager pa lang ako. Pero hindi ibig sabihin noon bitter ako dahil alam kong maraming dahilan para maging masaya ka. Alam ko rin na may happy ending dito sa mundo. Hindi naman ipapamulat sa mga bata ang fairytale stories gaya ng kay Aladdin kung hindi totoo e. Paano ko nasabi? Dahil nakikita ko ito sa ibang aspeto.
Isa na rito ang pag-ibig. Alam kong mayroon pa ring mga tao na dalisay at wagas kung umibig, gaya ng mga nasa fairy tale stories. Iba nga lang ang paraan at may kalakip itong sakit sa bawat pagsubok na kailangan nating lampasan mapatunayan lang ang pag-ibig natin. Hindi rin ito tipikal na darating si Prince Charming at sasagipin ang prinsesa, dahil hindi natin kaibigan ang tadhana. Hindi nalalayo ang kaniyang paghamak sa di mapapantayan nating hangarin na umibig. Nasa atin na lang kung paano tayo makikibaka sa kaniyang paglalaro.
I am not going to introduce myself as of now, but let me tell you how I was brought to a whole new world.
Read
Chapter: MessageCredits to revekhas RedSwain Suzainie AiriiTheCoffeeCat for the story coverAng mga pangalan, pangyayari, lugar, imprastraktura, o kung ano pa man sa kwentong ito ay fictional, meaning di totoo. Kung may hawig man po ang lahat ng ito sa totoong buhay, hindi ko po iyon sinasadya. Wala pong balak ang manunulat nito na manira ng reputasyon ninuman o mamahiya ng kahit sino. Ang tanging nais lang po ay magbahagi sa inyo ng kwentong tiyak na kapupulutan ng aral.Siya, hindi ko na po ito pahahabain. Kayo na po ang bahala kung may mga gusto kayon
Last Updated: 2020-08-03