author-banner
ItsMeYourDay
ItsMeYourDay
Author

Novels by ItsMeYourDay

God's Plan

God's Plan

Magkaibang henerasyon, magkaibang panahon, magkaibang storya ang isinulat ng panginoon. Dalawang istorya ng pag-ibig, magkaibang umiibig at iniibig. Mga estado ng buhay ay magkaiba, mayaman at mahirap, kung baga. Parehong pinag-isa, pero sa kasalukuyan lang naging masaya. Ang isa ay may tadhanang ipaglayo, ang isa naman ay pinagtagpo, ang isa ay pag-ibig na hindi naipaglaban, ang isa ay nauwi sa simbahan. Ang nasimulan sa nakaraan, matutuloy sa kasalukuyan. Si Neya at Sacorro, na parehong tindera, parehong umibig at inibig sa mga lalaking mas matataas pa sa langit. Sina Henereyo at Corro, mga lalaking tindera ng isda ang mundo. Kapwa mga inhenyero, pero mga babaeng walang pinag-aralan ang tipo. Sa kamatayan nagtapos, ngunit sa diary nabasa ang pag-ibig na walang pagtatapos. Kung may namatay, sino ang babaeng trahe-de-boda ang suot? “In the past they’d start; in the future we’ll end up” ─Neya Antonio
Read
Chapter: Kabanata 5
"Good morning sa magiging asawa ko!" nakangiting bungad sa akin ni Corro pagkarating ko sa hapag kainan ng bahay nila. Sinalubong ako nito ng yakap at halik sa sentido. "Kamusta ang tulog mo?"Matamis na napangiti ako sa iniakto nito. Para na kaming mag-asawa. "Good morning! Maayos naman," napabuntong-hininga ako. "Namamahay lang siguro."Ngumiti itong muli bago kumalas sa pagkakayakap at iginiya ako paupo. "Kumain ka na, Babe." anito saka umupo sa tabi ko.Ako naman ang naglagay ng pagkain sa plato nito."Pwede nangang talaga kayong maging mag-asawa." mahina ngunit nakangiting tukoy sa amin ni Nay Cristy— katulong sa bahay.Nakangiting nag-angat kami ng tingin sa matanda. "Good morning po, Nay Cristy!" bati ni Corro rito."Saluhan niyo na po kaming kumain," alok ko rito.Maluwag na ngumiti itong muli sa amin, "Nag-almusal na kaming mga kapwa ko ka
Last Updated: 2020-10-02
Chapter: Kabanata 4
Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Nelya. Maging si Nilo ay nagtatakang napatingin sa kanyang ina."Nay, akala ko ba po bukas pa?" Mabilis na tanong nito sa ina, ayaw pang umalis.Bumuntong hininga naman ang kakambal kong si Nelya, "Kailangan na kasi, Nilo," nagpapaintindi ngunit may pagmamadali sa tono ng boses nito.Tumingin ito sakin ng may lungkot sa mata at pagpapaalam pero wala akong naging tugon kung hindi ang tipid na ngiti dahil sa kaba. Sa ikinikilos ng kapatid ko, talagang kakabahan ako. Gusto kong magtanong pero may nagbara sa lalamunan ko dulot ng kaba sa dibdib ko. Sana lang maayos ang lahat.Tumikhim naman si Corro na kanina pa pala nagmamasid at nakikinig sa usapan namin. "Nelya, ngayon na ba kayo aalis?" Tanong nito sa kakambal ko.Agaran at mabilis na tumango ang kapatid ko. "Oo, biglaan kasi eh. pasensya na ah?""Ipapakuha ko lang yung mga gamit niyo. Ipapaha
Last Updated: 2020-10-02
Chapter: Kabanata 3
Natigil ang halikan naming na puno ng pagmamahal ng biglang may sumigaw.“Sana all ikakasal na!” Malakas na sigaw ng tinig na kilalang-kilala ko. Lumingon ako sa pianggalingan ng boses at nakita ko ang walang iba kundi ang kapatid kong si Nelya, may hawak na cellphone na parang kumukuha ng video habang nakangiting nagpupunas ng luha. Sa tabi nito ay ang anak at pamangkin kong si Nilo, na pumapalakpak.Muling humalik si Corro sa noo ko bago punasan ang pisngi kong basa ng luha. Napangiti ako sa sweetness nito, walang kupas. “Hindi lang picture ang maipapakita natin kina Lola.” Nakangiting sabi nito.Naguguluhang tumingin ako rito. “Kailan at paano mo nadala rito sina Nelya at Nilo?” Nagtatakang tanong ko.Ngumiti ito sakin ng napakatamis kaya napangiti narin ako, nahawa. Kapagkuwan ay yumuko ito saka bumulong sa bandang tainga ko. “Secret.” Anito na binuntutan ng ngisi na siyang nagbigay ng kilig sa siste
Last Updated: 2020-10-02
Chapter: Kabanata 2
Sabado ngayon at napakaganda ng panahon, lampas na ng tanghalian pero may natitira paring tahong sa mga itinitinda ko. Kailangan ko pa namang umuwi ng maaga dahil luluwas kami ngayong araw ni Cor papunta sa Manila.“Ate, pabili po ng tahong. Tatlong kilo daw po.” Sinagot agad ang kahilingan kong maubos na ang paninda ng isang teenager na ito.Agad akong nagkilo at nagsupot ng tahong na bibilhin nito. “Sakto! Tatlong kilo na lang to.” Natutuwang sabi ko pa rito habang nagkikilo. “190 pesos tong tatlong kilo.” Paniningil ko.Dumukot naman agad ito sa wallet at nagbilang, pero alanganin itong nagkamot ng ulo saka tumingin sa akin. “Ahh…Ate? Wala po bang tawad? 150 na lang po kasi yung meron ako.” Nag-aalinlangang tawad nito sakin.Ako naman ngayon ang napakamot sa ulo. “Yun lang.” Nasabi ko na lang. “Baka maubusan ka niyan ng pamasahe?” Concern na tanong ko dahil baka ang tinda ko pang tahong ang maging dah
Last Updated: 2020-10-02
Chapter: Kabanata 1
Tulad ng napag-usapan, sa bahay nga kumain ng tanghalian si Cor. Tuwang-tuwa na naman ang mga kapamilya ko sakanya.Tapos na kaming magsikain pero nasa hapag parin kami at panay ang biruan. "Aba Corro, buti hindi ka nababahuan sa anak ko." Biro ni itay na binuntutan pa ng malakas nitong tawa, maging ang iba pa ay nakitawa rin."Alam mo, tay. Pag ako naging amoy Victoria’s Secret, who you ka sakin." Depensa ko naman."Baka lalo akong hindi makahiwalay niyan sayo, babe." Pang-haharot naman ni Cor."Ayieeeeeee! Si tita nagba-blush." panunukso naman ng pamangkin kong si Nilo—anak ng kakambal kong si Nelya."Oo nga naman, Neya. Baka magka-anak kayo nitong boyfriend mo ng wala sa oras." Biglang sabi ni Nelya—ang kakambal ko.Napapalunok naman na napa-ayos ng upo si Corro sa birong iyon ni Nelya. Pinandilatan ko ang aking kakambal ng manahimik, hindi maganda ang lumalabas sa bibig ng kapat
Last Updated: 2020-10-02
Chapter: Simula
Mataas ang sikat ng araw kaya't namumuo rin ang pawis ni Neya, natural na maingay sa palengke dahil maraming mamimili."Magkano ang kilo ng Tilapia?" mataray at mataas ang boses na tanong ng isang medyo may edad ng babae."Hoy. Neya! May barya ka ba diyan ng One thousand?" Malakas at nagmamadaling tanong naman ni Aling Linda sa katabi kong pwesto.Sinulyapan ko ang halatang naiinip, nalalansahan at naiinitang babae sa tapat ko. "200 ho isang kilo-""Neya! may barya kaba kako neto?" Singit ni Aling Linda."Meron ho!" Malakas ring sagot ko dito saka nagmamadaling nagbilang ng barya ng isang libo ni Aling Linda."itong Salmon magkano?" an
Last Updated: 2020-09-03
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status