Chapter: Chapter SixDALAWANG linggo na simula ng ligawan ako ni Aaron. Papasok na ako sa university. Maaga ng one hour ang pasok ko dahil bigla na lang nag-chat si Jojoy na maaga kaming pumasok ngayon. Habang papalapit ako sa building namin ay nakita ko sa third floor na nando'n na halos ng mga kaibigan ko at nagkukumpulan. Nakita kong kumaway sa akin si JL kaya naman binilisan ko na ang paglakad.Nang makaakyat na ako ay biglang naging maayos ang p'westo nila. Parang hindi nagkukumpulan kanina. Ngumiti sila sa akin na ikinataka ko dahil ang weird nilang tignan."Anong nangyari sa inyo mga 'te? Sinapian kayo?" Pagtataray ko sa kanila at umupo na sa bakanteng upuan katabi ni Jojoy."Sinapian? Baka ikaw mamaya." Sabat ni Jael na ikinagulat ko dahil maaga siya ngayon. Kung hindi kasi late e nasa oras. Mabibilang lang sa isang kamay ang pagpasok niya ng maaga."Hala 'te maaga ka? Bagong buhay?" Natatawa kong tanong pero inirapan lang niya ako. "Bakit nga pala tayo maaga?
Last Updated: 2020-09-12
Chapter: Chapter Five"BALITA 'te? Hindi mo pa rin sinasagot si Aaron?" Taning ni Erika nang maiwan kaming dalawa sa room."Ano ka ba, isang linggo pa lang. Sasagutin agad? Ano? Atat na atat mag-jowa?" Pagtataray ko rito habang inaayos ang bag ko. "Hay nako, 'te! Syempre hindi naman panliligaw ang pinapatagal kundi relasyon. Tsaka, kilala mo naman na 'yon si Aaron, kilala ka na rin niya. Ano pang inaantay niyo dalawa?" Medyo sermong niyang sabi at naglakad na palabas kaya sumunod agad ako rito."Hindi pa rin naman kasi nagtatanong yung tao. Alangan namang pangunahan ko? Jusk!" Sabi ko pa nang makahabol ako sa kanya."Why not do the first move? Hindi naman dahil siya yung nanliligaw siya na agad lahat magfi-first move.""Wala naman akong sinasabing gano'n.""Parang gano'n na rin kaya 'yon," sambit niya at ni-lock na ang pintuan. Dahil nga siya ang president ng klase, siya ang magbubukas at magsasara ng pinto at ibabalik sa taga-hawak ng susi rito sa university.
Last Updated: 2020-09-12
Chapter: Chapter Four"KAIN muna tayo tapos nuod tayong movie," sabi niya ng makapasok na kami sa mall. Kahit may pasok ay marami pa ring tao. "Ikaw bahala. Share tayo sa bayad ah.""Kaya ko na, Wayde. Ako nagyaya." Nakangiti nitong sabi."Share na lang tayo, Aaron." Pilit ko pa pero umiling lang ito. "Ako na. Tara na." At hinila niya na ako sa isang pizza house.Um-order siya ng lasagna, pizza and drinks. Habang hinihintay ay nag-usap lang kami ng kung ano-ano."Kumusta ka pala, Wayde? Tagal nating hindi nagkita. Nang magkabungguan tayo no'ng nakaraan saka ko lang nalamang nasa isang university tayo." Masaya niyang sabi habang ang kamay niya ay nasa kanyang baba."Ayos naman. Ikaw ba? Kaya nga e. Ngayon ko lang din nalamang nasa iisa tayong university." Masaya ko ring sabi na iniikot naman ang mga mata sa paligid dahil nakatitig ito sa akin. At nakakaramdam ako ng pagkailang dahil doon."Ayos din. Magkasama pala kayo ni Jael no. Ngayon ko lang di
Last Updated: 2020-09-12
Chapter: Chapter Three"MA, medyo late po ako makakauwi. May gagawin kasi kami sa isang subject e." Pagpapaalam ko kay Mama."Sige, Wayde. Basta mag-text ka na lang kung nasaan ka para hindi kami mag-alala ng Papa mo," sabi naman ni Mama Kaya pagkatapos ay nagpaalam na rin ako para pumasok."Awa! Blooming ang ating Wayde ah." Kantiyaw ni April ng makalapit na ako sa kanila.Inirapan ko naman ito at umupo na malapit kay Erika. "Saan si Barni?" Pagtatanong ko."As usual late. Kailan ba naging maaga 'yon?" Sagot sa akin ni Erika.May kan'ya-kan'yang mundo na naman ang iba naming kasama kaya kinausap ko na lang si Erika."May lakad ako mamaya 'te." Mahina 'kong sabi kaya napatingin ito sa akin ng nakangiti."Kaya pala blooming ah. Saan punta mo?" Pang-aasar pa nito at tinaas baba pa ang dalawang kilay."Shh, ikaw lang sinabihan ko kaya 'wag kang madaldal." Saway ko rito."Oo na, dali na. Sabihin mo na." Excited pa nitong sabi at kumapit pa
Last Updated: 2020-09-12
Chapter: Chapter Two"HOY 'te! Ano tulaley ka na naman diyan." Biglang sabi ng katabi ko at sinundot pa ang tagiliran ko, buti na lang ay wala akong kiliti ro'n. "Ano ba 'yan, April. Shh ka lang diyan at nakikinig ako kay Sir." Kunwaring sabi ko at tumingin sa harapan. "Utot mo blue, nakikinig titig na titig ka nga kay Sir diyan. Kung 'di ko lang alam na crush mo si Aaron baka isipin 'kong may gusto ka kay Sir Geronimo." Bulong pa nito sa 'kin. "Gaga ka! 'Wag ka nga," sambit ko na lang at pinilit ang sarili 'kong makinig kay Sir pero hindi talaga mawala sa isip ko ang huling chat sa 'kin ni Aaron kagabi. Gusto niya raw kasi na sabay kaming mag-lunch para raw magkumustahan. "Shh, 'wag kayong maingay, marinig kayo ni Sir." Saway naman ni Erika na nasa harapan namin ngayon. Hindi na naman kami umimik ni April. Tumingin kami sa harapan at nakinig na kay Sir. "May thirty minutes pa si Sir, ang aga talaga niya lagi magpalabas," sambit ni Garien na inaayos na
Last Updated: 2020-09-12
Chapter: Chapter OneTANGHALING tapat ay lakad takbo ang ginawa ko para makaabot sa aking unang klase. Unang klase kasi namin ngayon ay ala-una at computer 'yon. Naipit ako ng traffic habang papunta ako sa Univeristy. Medyo malayo ang bahay ko sa University kung saan ako nag-aaral. Dalawang oras mahigit ang biyahe at nadadagdagan pa ito ‘pag inabot ng traffic.Hindi naman ito ang first day of classes pero ayaw na ayaw 'kong nale-late. Kung puwede lang na lagi akong maaga ay mas mabuti pero dahil sa traffic late na ako kung minsan nakakarating. Papasok ako ngayon sa building nang may nakabungguan ako."Shit! I'm sorry. Nagmamadali kasi ako," sambit ko agad habang nakayuko at nakita ko naman ang mga gamit niyang nakakalat dahil sa bungguan naming dalawa. Sinimulan ko iyong pulutin nang hindi pa rin tumitingin sa kanya."Salamat," aniya at tinanggap ang mga inaabot ko. Hindi ko pa rin nakikita ang mukha nang nakabungguan ko dahil busy pa ako kakatingin sa
Last Updated: 2020-09-12