Chapter: PrologueHindi po ako normal na tao. Ibang-iba ako sa lahat. Meron akong isang bagay na hindi kapani-paniwala. Walang alam ang aking mga magulang tungkol dito pero inaabuso nila ako. Sa murang edad, araw-araw nila akong pinapatratrabaho na hindi kaya ng isang ordinaryong bata tulad nalang na magbuhat ng ilang dam ng tubig sa isang buong araw, maglaba ng kabundok na labahan gamit ang kamay lang, linisin ang buong bahay at dapat siguraduhing malinis bawat sulok at madami pang ibang mabibigat na gawaing bahay.
Last Updated: 2020-09-01