Chapter: Chapter 2. First day of hell"T-teka...Teka teka teka." Sa wakas ay binitawan din ako ni Kiko."Bakit mo ba ako hinihila?.""Nicole. Kung hindi kita kaagad na hinila. Malamang ay nasa listahan ka na at araw-araw paparusahan." Kumunot ang noo ko at tinawanan siya."Haha Anong kalokohan yun Kiko?. Paparusahan? Ano sila Diyos?." Naiinis niya akong tinignan."May kaibigan ako na dito nag-aaral. Ang isa sa lalaki kanina ay kasama sa Rose Four o RF. Ang pinakamayamang nag-aaral dito sa School. Sikat, at pinakamatatalino. Andito rin si Bianca.""G-ganun ba...E bakit ba kasi nagkumpulan sila doon?." Turo ko kung saan kami galing."Ewan ko. Basta, huwag nalang tayong lumapit sakanila at baka mapahamak lang tayo." Hinila niya kaagad ako at nagpunta kami sa Classroom ko daw."Hanggang dito nalang. Mamayang uwian
Last Updated: 2020-10-03
Chapter: Chapter 1. The friend"Ano ba naman iyan!. Ang aga aga ang kalat ng bahay! Hoy, Miguel! Bumangon ka riyan at linisin ang kalat na pinag inuman ng tatay mong sandamakmak kung maglasing!."Napabalikwas ako ng bangon at sinilip si Tsismosang Aling Nena."Ang aga-aga namang ingay." Komento ko pagkagising. Sila lang ang pinakamaingay, at tsismosa naming kapit-bahay dito sa Baranggay namin.Hindi ko alam kung bakit hindi sila natitinag kapag hinuhuli ng mga Police sa sobrang ingay. Nagrereklamo na ang iba dahil sakaniya."Nicole, bumangon ka na. Magsisimba pa tayo." Tumango ako sa nakasilip na si mama sa pinto."Ama namin sumasalangit ka, sambahin ang ngalan mo, mapasaamin ang kaharian mo sundin ang loob mo. Dito sa lupa para nang sa langit, Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw..." Magkahawak kamay kami ni mama, papa, at lolo sa loob ng simbahan at taimtim na kumakanta ng Amanamin
Last Updated: 2020-10-03