Slow Dance Beneath The Stars
Mula sa pantalan ay hinagod ng tingin ni Guen ang buong kapaligiran. Malamig ang gabi, tahimik na tahimik ang malawak na lawa, gumuguhit ang liwanag ng buwan sa tubig. Napakasarap ng may kayakap ng mga sandaling iyon. "I've always wanted to slow dance beneath the stars..." aniya.Pero nang humarap siya kay Kibaweg, ibang sayaw ang ginawa nila. Mapusok, nag-aalab sa init ang halik ng binata. Gusto sana niya itong itulak, pigilan sa ginagawa, pero hindi niya magawa. Ngayon lang niya naranasan ang ganitong sensasyon kaya huli na nang mapansin niyang hinuhubad na nito ang pang-ibaba niyang saplot...
Read
Chapter: Chapter 14ANG DAMING kuwento ni Kibaweg habang nagkakape sa patio. Sari-sari, kung anu-ano, pero ang higit na kinatutuwaan ni Guen ay yaong tungkol sa paghahabulan nina Melba at Amihan sa gitna ng sagradong ritwal sa Ampico.“Kumekerengkeng...,” tumatawang ulit ni Guen. “ Si Melba talaga, oo… Andaming
Last Updated: 2020-11-14
Chapter: Chapter 13MABUTI na lang at mali ang naisip ni Kibaweg. Pagkadaong na pagkadaong ng bangka sa pantalan ng Badion ay agad nilang natanaw si Aliw-Iw sa silong ng bahay niyang yari sa tinistis na tabla. Nakasubsob ang mukha nito sa tuhod, parang nakatulugan na ang pag-iyak.“Ayun!” mahinang sabi ni Amihan.” Ayun si Aliw-Iw!”Hanggang sa makalapit sila ay hindi man lang ito natinag.. Mahimbing na mahimbing ang tulog ni Aliw-Iw. Lalo tuloy naawa si Kibaweg sa itsura ng dalaga. Sa kawalan nito ng matutuluyan ay tiniis ang lamig ng gabi sa silong ng bahay niya.“Aliw-Iw…” aniya, kasabay ng banayad na tapik sa b
Last Updated: 2020-11-07
Chapter: Chapter 9 Normal 0 false false false EN-PH X-NONE X-NONE
Last Updated: 2020-10-17