LOGINHindi matanggap ni Syler ang harap-harapang pagtataksil na ginawa sa kanya ng lalaki na una niyang minahal. Of course, she wanted to get even with her ex-boyfriend. Hindi siya makapapayag na hindi ito magantihan matapos siya nitong huthutan ng malaking salapi. Isa sa naisip niyang paraan para makaganti ay siraan ito sa mga nobelang sinusulat niya. Magpakalunod sa alak ang naging solusyon niya sa unang kabiguan sa pag-ibig, ngunit nang mahimasmasan ay doon lang niya napagtanto na nasa ibang kuwarto na siya. It was Rusty Vergara's unit for holy heaven sake! Hindi niya akalain na sa katauhan nito ay madali niyang maipapamukha sa kanyang ex-boyfriend na sa isang kisapmata lang ay kayang-kaya niya itong ipagpalit. Pero sabi nga nila magaling maglaro ang tadhana. Kaya kung makikipaglaro ka rito, siguraduhin mong matalino ka para hindi ka uuwing luhaan sa huli. "We won't fall in love to each other." Ito pa ang natatandaan niyang sinambit niya nang buong tapang. Ano'ng nangyari? Kinain niya lahat nang sinabi niya, dahil isang araw nagising na lang si Syler na gusto na niya ang binata. It was not a part of their deal. Wala man iyon sa plano niya ay handa na siyang sumubok magmahal muli. 'Yon nga lang ay hindi siya naging handa sa panibagong kamalasan na darating. Yes, she's a romance writer. Umiikot sa usaping pag-ibig ang mga sinusulat niya. Pero dahil sa kabiguan din sa pag-ibig ay ayaw na niyang maniwala na nag-eexist pa ang happy ending, kung hindi rin naman siya ang magiging heroine ni Rusty sa totoong buhay.
View MoreCHAPTER 33HANGGANG ngayon ay hindi pa rin alam ni Syler kung ano ba talagang nangyayari. Ramdam na ramdam niya ang mabilis na tibok ng puso niya dahil sa matinding kaba.Biglang bumagal ang paghinga niya nang dalhin siya ni Rusty sa private pool at nakita niya ang magandang pagkakaayos ng buong lugar. Nahagip ng mata niya ang mga petals at balloons na nakalutang sa pool. Mayroon din pati na sa dinaraanan nila. May nagva-violin at may live pianist din. Ngunit ang nasa dulo no’n ang talagang umagaw ng buo niyang atensyon.Natameme siya na lang siya habang pinagmamasdan iyon. Hindi niya nagawang magsalita. Pakiramdam niya ay nalunok na niya ang kanyang dila. Hindi niya makapaniwala na naghanda ito ng isang candlelit dinner. Napaka-romantic ng ambiance ng buong lugar.“Tinulungan ka ni Daliam na gawin ito?” gulat na sambit niya.“Uh-huh. Tinulungan niya akong magplano para sorpresahin
CHAPTER 32NAISIPAN ni Syler na maglakad-lakad muna sa dalampasigan dahil hindi pa siya dinadalaw ng antok kahit halos hating gabi na. Napayakap na lang siya sa kanyang sarili nang umihip ang malamig na simoy ng hangin.Noong isang araw pa siya parang wala sa kanyang sarili at si Rusty ang palaging laman ng kanyang isip. Hindi niya maiwasan makadama ng lungkot dahil matapos ang nangyari sa bungee jumping adventure nila, matapos siya nitong halikan ulit ay bigla na lang itong nagpaalam para bumalik sa Maynila.Sinabi nitong marami pa raw itong kailangang asikasuhin na negosyo roon. Pero hindi niya maiwasang isipin na hindi lang talaga negosyo ang aasikasuhin nito. Marahil ay kasama na roon si Daliam. Marahil ay namimiss na nito ang babae kaya gusto na nito agad umuwi.Hindi niya maiwasang masaktan dahil pakiramdam niya ay pinapaasa lang siya ni Rusty. At hindi maiwasang mainis sa kanyang sarili kung bakit pa
CHAPTER 31NANLAMIG si Syler sa kanyang kinauupuan at hindi na nagawang magsalita pa. Ilang araw din niyang hindi nakita si Rusty mula noong dumating sila sa resort. Kahit kasi nandito ito ay mukhang negosyo pa rin ang pinagkakaabalahan. Mas mabuti na nga iyon para hindi sila nagkakalapit dalawa. Para mas lalo niya itong maiwasan. Para manahimik na rin ang puso niya.“Talaga? May boyfriend ka, Syler?” masiglang tanong ni Demmy.“Sino?” singit naman ni Laicy.She gulped loudly. “Si...” Napatingin siya sa mga co-writers niyang naghihintay rin ng kanyang sagot. Think, Syler! Think! “’Yong fictional character ko.” She smiled a bit. “Si... si Lantis,” she joked.Nagtinginan ang mga co-writers niya at bigla na lang nagtawanan ang mga ito. Nagloloko lang naman kasi talaga siya kanina na may boyfriend siya. Hindi naman niya alam na bigla pa lang sus
CHAPTER 30KANINA pa hindi mapakali si Syler sa loob ng sasakyan. Hindi niya alam kung paano siya kikilos nang maayos kasama si Rusty. She couldn’t look at him in the eyes without feeling a little awkward. Hindi na talaga niya maitago ang matinding pagkailang na nararamdaman niya.Paano ba naman kasi nang magising siya kanina ay labis siyang nagulat nang mapagtanto na magkayakap pala silang natulog buong kagabi. Sino’ng hindi mawiwindang doon? Bigla tuloy siyang humiwalay rito habang namumula ang buo niyang mukha. Maging ito ay halatang nagulat din dahil napunta sila sa gano’ng posisyon.Gaga ka talaga! kastigo niya sa sarili.Hinihiling nga niya na sana ay lasing na lang siya kagabi para hindi na niya maalala ngayon ang mga kagagahan na ginawa niya. Pero hindi iyon mangyayari dahil lahat ng ‘yon ay tandang-tanda niya talaga. Ultimo ang kaliit-liitang detalye ay alam niya. Lalo na ang m





