LOGINAndrea sometimes hated being born different. She hated it when people look at her weirdly like they know who she is. But after meeting her friends who are a lot like her, she started feeling comfortable. She started to get along with humans, too. She realized that not everyone is harsh. And she wished everyone's like her friends.
View More9"Bro! Hindi ako na-inform na kasama kayo ah?" bati ni Allen sa kanila. Lumapit din si Nard. Malapit din kasi siya sa buong section nila kaya hindi na ako magtataka.Nahagip ulit ng tingin ko ang nakaakbay niyang braso sa girlfriend niya. Nag-iwas na lang ako ng tingin. Alam ko sa sarili kong mayroon pa, pero hindi pa rin ako sigurado. Gusto kong maging malinaw ang nararamdaman ko bago ko siya harapin nang may pagmamalaki."Aahon na muna ako. You want to come?" yaya ni Limea.Nahalata yata nilang hindi ako magiging komportable simula ngayon. Nahihiya tuloy ako sa kaniya. Baka hindi siya makapag-enjoy dahil sa'kin. Kahit na alam kong allergic kami pare-pareho ay minsanan lang kami gumala kasama ang buong klase."Mabuti pa nga, Lime
8Kalma lang, Drea! Si Sarmiento lang naman iyan. Hindi ka naman niya kilala at mas lalong hindi niya alam na crush mo siya. At kung malaman man niya, ano naman? Crush pa lang naman, 'di ba? Paniguradong maraming nagkakagusto sa kaniya. Normal lang 'yan.Hindi ko na ulit siya tinignan dahil sa nangyari. Nag-swimming na lang kami at nag-enjoy. Kapag iniwasan ko siya, walang mangyayari. Hindi niya malalaman. Kung kakausapin man niya ako, kakausapin ko rin. Para naman hindi masyadong obvious. Kaya ko naman iyon.Nakita kong agad nag-topless ang mga kaklase niya at nagsitalunan. Hindi ko maiwasang hindi mapasulyap sa kaniya."Aw. Hindi nag-topless ang crush mo. Tumalon lang bigla," medyo disappointed na sabi ni Belle. Sa'kin na siya nakatingin at nakangisi. Parang alam kung ano'ng inisiip ko. Hindi ko alam kung bakit pero parang siya pa nga itong may gusto kay Sarmiento kung makaasta siya."An
7"Drea! Nandito na sa baba sina Mea. Bilisan mo riyan!" sigaw ni Mame habang kinakatok ang pinto ko. Isinara ko na ang pinto ng banyo ko at dumeretso sa kama kung nasaan ang mga bag ko."Bababa na po ako!" sigaw ko pabalik.Kinuha ko na ang back pack ko na itim at isang bag na binibitbit. Kinuha ko ang shades ko sa gilid ng salamin at muli ko munang tinignan ang itsura ko sa harap noon bago lumabas. Bumaba na ako sa sala habang inaayos ang shades ko. Naka-shorts ako at maluwag na black T-shirt na may disenyong bungo.Ngayon na ang gala ng buong section namin kaya alas otso pa lang ay nandito na sila sa amin. Ako ang pinakamalapit sa venue kaya sa bahay naisipang magkita-kita para sabay-sabay kaming mga barkada papunta. Medyo na-late ako ng gising kaya minamadali ako ni Mame.Nakita ko na silang nakaupo sa sofa at nagmimiryenda na sila agad.
6Habang nasa van kami ay tahimik lang ang lahat. Mga tulog na kasi sila. Mukhang napagod ang kambal sa pakikipaglaro kanina. Kasalukuyan silang nakaupo sa likod namin. Magkapatong pa ang mga ulo nila habang natutulog.Ang cute lang!Ang kuya Max ko naman ay nag-tetext sa tabi ng drayber namin. Hindi na naman mawala ang ngiti sa mukha niya. Napailing na lang ako. Mukhang may bago na namang ka-text. Para bang walang nangyari kanina sa bahay nina tita at bumalik na naman kami sa dati. Sana nga ay ganito na lang palagi.Ayos na rin naman ito sa akin. Naiilang kasi ako sa kaniya ngayon. Hindi ko inaasahan na siya ang tagapagmana. Nakakagulat lang talaga iyong mga nalaman ko kay kuya Matthew.Tumingin ako sa labas ng bintana ng van at tinatanaw ang labas nang may naalala ako. Hinarap ko si kuya Matthew na nakatulala lang sa kawalan."Kuya, may itatanong sana ako sa'yo."