LOGIN"Andrea sometimes hated being born different. She hated it when people look at her weirdly like they know who she is. But after meeting her friends who are a lot like her, she started feeling comfortable. She started to get along with humans, too. She realized that not everyone is harsh. And she wished everyone's like her friends."
View MoreChapter 9Napadaan ako sa cottage nina Sarmiento at Jackson pero hindi ko na pinansin. Mas mahirap kung mag-aaway kami ni kuya sa harap mismo nila. Lalayo na muna ako para mas ayos. Ang ganda-ganda na naman kasi ng mood ko kanina. Tsk!"Drea! Mag-uusap pa tayo," ani kuya. Hinawakan ni kuya ang braso ko at hinatak ako palapit sa kaniya. Niyakap niya ako nang mahigpit kaya napasimangot ako. "Sorry, boss. Mainit lang talaga ulo ko. Hindi ko talaga sinasadyang sigawan ka kanina."
Chapter 8"Bro! Hindi ako na-inform na kasama kayo ah?" bati ni Allen sa kanila. Lumapit din si Nard. Malapit din kasi siya sa buong section nila kaya hindi na ako magtataka.Nahagip ulit ng tingin ko ang nakaakbay niyang braso sa girlfriend niya. Nag-iwas na lang ako ng tingin. Alam ko sa sarili kong mayroon pa, pero hindi pa rin ako sigurado. Gusto kong maging malinaw ang nararamdaman ko bago ko siya harapin nang may pagmamalaki.
Chapter 7Kalma lang, Drea! Si Sarmiento lang naman iyan. Hindi ka naman niya kilala at mas lalong hindi niya alam na crush mo siya. At kung malaman man niya, ano naman? Crush pa lang naman, 'di ba? Paniguradong maraming nagkakagusto sa kaniya. Normal lang 'yan.Hindi ko na ulit siya tinignan dahil sa nangyari. Nag-swimming na lang kami at nag-enjoy. Kapag iniwasan ko siya, walang mangyayari. Hindi niya malalaman. Kung kakausapin man niya ako, kakausapin ko rin. Para naman hindi masyadong obvious. Kaya ko naman iyon.
Chapter 6"Drea! Nandito na sa baba sina Mea. Bilisan mo riyan!" sigaw ni Mame habang kinakatok ang pinto ko. Isinara ko na ang pinto ng banyo ko at dumeretso sa kama kung nasaan ang mga bag ko."Bababa na po ako!" sigaw ko pabalik.Kinuha ko na ang back pack ko na itim at isang bag na binibitbit. Kinuha ko ang shades ko sa gilid ng salamin at muli ko munang tinignan ang itsura ko sa harap noon bago lumabas. Bumaba na a