Share

ONE

Author: Ms98Percent
last update publish date: 2020-11-05 12:17:28

EARTHELLE

"Okay ano ang biglaang meeting at kailangan nating magkumpulang tatlo dito sa likod ng classroom?" Si Xy.

"Si Blythe Martinez a-a-ano." Bakit ba ang hirap sabihin? Ganito pala talaga kasi ako naiinis ako sa mga taong napapanood ko sa TV na sasabihin na lang hindi pa masabi.

"Minandali mo ang pagrampa ko sa corridor para lang sabihin saamin kung gaano ka kabaliw sa Dyosang Blythe na yan?!" Ang maarteng sabi ni Clyde.

"K-kas-" naputol ang pagsasalita ko ng dumating na si Sir Aaron ang adviser ng course namin na Fine arts.

"Nagkukumpulan nanaman kayong tatlo diyan! magsiupo nga kayo." Takot lang naming kaya mabilis kaming umupo sa upuan naming tatlo, syempre trio kami kaya ako yung nasa gitna hindi dahil ako yung leader walang ganun sa pagkakaibigan naming tatlo kaya lang bawal talagang magtabi tong dalawa at magbabarahan lang.

"Thelle ano ba kasi yung tungkol kay Blythe?" ang bulong niyang tanong sakin na cu-curious din siguro siya.

Napatingin kami sa harap ng may biglang kumatok speaking of Dyosa!

"Oh! My! Gosh! Si Dyo-" tinakpan ko yung bibig ni Clyde mabuti na lang at masyado silang natulala sa ganda ni Blythe at sakanya lang nakatingin lahat.

"Good morning Sir Aaron may I excuse Ms.Earthelle Castillo?" Napako ang tingin naming dalawa sa isa't isa at parang huminto ang lahat, sinabunutan lang ako ni Clyde kaya nagising ako sa katotohanan. Binitiwan ko na din yung bibig niya at pinunas ang kamay ko sa palda ko.

"Ah yes yung bilin ni Madam Hilda. Thelle ikaw na muna bahala kay Ms.Martinez." napabigla ako ng tayo pero bago ako makaalis binigyan ako ng pang-asar na ngiti nung dalawa.

"Magpapaliwanag ka samin mamaya." Sign language lang naming tatlo yan kaming tatlong alien lang ang nakakaintindi sa sign language na yan.

"Thank you Sir Aaron." Sheeet kakainlove ang boses. Pero bakit kaya ayaw niyang ipakita yung mukha niya sa RPW? sobrang ganda naman niya? Kahit babae o lalaki maiinlove sakanya.

"Sorry kung naistorbo kita Ms.Castillo." Ganito pala sya mag sorry.

"Okay lang Sh- I mean Ms.Martinez." muntikan ng madulas ang dila kong matalas!

"Ms.Blythe na lang." Tawagin pa kitang Love dahil tawagan naman natin yun. Charot.

"Okay po Ms.Blythe saan po ba ang class niyo ngayon?" Nakangiti niyang inabot sakin yung index card kung saan nakalagay yung schedule niya.

"Sa BeED ka pala nga- I mean po may po yun." Natawa naman siya. Baka hindi pa siya out? Pero obvious naman sakanya na bisexual siya ang gandang gwapo kaya niya. Matangkad, at kahit naka long sleeves siya alam kong may muscles siya sa braso, maganda ang hubog ng katawan.

"Kung nahihirapan kang mag po sakin wag mo ng pilitin kapag tayo lang dalawa. 2 years lang ang tanda ko sainyo." I know! Kabisado ko kaya birthday mo.

"Nakakahiya naman po Ms.Blythe, ito na po ang next class niyo." Huminto na kami sa tapat ng room ng mga BeED.

"Thank you Ms.Castillo." pamatay yung ngiti sabi nila kapag daw agenda sa personal hindi photogenic pero bakit tong nilalang na to? Maganda na nga sa picture mas maganda pa sa personal?!

"Thelle na lang po." Paalis na sana ko ng bigla na lang akong tawagin ng pinsan ko na nasa BeED.

"Thelle." Natulala pa siya kay Blythe but aware naman siya na si Blythe ang substitute ni Ma'am Hilda. Hindi niya alam na si Shin at si Blythe ay iisa syempre hindi ko pa sinasabi daldal pa naman nito.

"Pinapabigay ni Tita lutang ka daw kasi kanina." Inabot niya sakin yung microwavable na tupperware na may laman na breakfast ko sana kanina may naka tape din na gamot ko.

"Oo nga pala hindi pa nga pala ko kumakain thanks insan." At langya lang ah bigla ba naman akong binatukan.

"Thelle umamin ka nga! Nagkakausap nanaman ba kayo nung Shin na yun?! Hoy Earthelle Castillo! Umayos ka wag kang magpaka tanga sa lalaking walang bayag para makipag kita sayo." Napatingin kami sa biglang nasamid si Blythe sa iniinum niyang tubig sa may tumbler niya.

"Shhhhhh!!!!! Tahimik!" Tinulak ko na siya papasok sa room niya, tsss kung alam niya lang wala talagang bayag si Shin, dahil isa siyang dyosa.

"S-sige po Ma'am aalis na po ako." Binigyan nya lang ako ng ngiti at sinara na ang pintuan ng room.

Grabe naman tadhana di ba sabi ko kakalimutan ko na si Blythe! Pero bakit naman after 3 years! 3 years kung kailan naman kakasagot ko lang kay Renz tsaka naman susulpot tong si Blythe.

"Babe!" Napahawak pa ko sa dibdib ko dahil sa gulat.

"What are you doing here babe? Di ba sa kabilang way ang building niyo?" Napatingin ako nasa part na pala ko ng building ng Engineering.

Binigyan pa niya ko ng halik sa pisngi kaya inasar kami ng mga kaklase niya.

"Renz di ba sabi ko walang PDA?" Ngumiti naman siya.

"Okay I'm sorry." Sinara niya ang pinto at bahagya kaming lumayo sa room nila.

"Dumaan lang ako dito dahil hinatid ko si Ms.Bly- Ms.Martinez."

"Ah oo nga pala, hatid na kita sa building niyo? Wala pa naman yung prof namin." Well this is my other reason why I fell inlove him he's a real gentleman.

"Okay na ko Renz papagalitan pa tayo ni Sir Aaron pag nakitang magkasama tayo ng ganito kaaga." Ang palusot ko na lang, hindi padin kasi ko komportable sakanya.

"Okay? Daanan kita mamayang uwian okay?" Tumango na lang ako at bumalik na sa room. Hindi ko na lang muna pinansin yung pangunglit nung dalawa at wala ding pumapasok sa isip ko.

College days hindi uso ang mahabang break time kaya dapat kulitin pa yung prof na bigyan kami ng 15 minutes break. Kaya lunch na nung nagkasama sama kaming tatlo.

"Earthelle!!!!!!!" Sabay naming tinakpan ni Xy ang tenga namin.

"Bakla huminahon ka!" ang pag-awat ni Xy sakanya tapos ito naman si Clyde, pinagpapalo pa yung braso ko.

"Beks paano ko hihinahon ee nandito yung taong minahal mo ng sobra! Bakla napaka swerte mo! Sabihin mo na! Baka maunahan ka pa nang ib- aray naman Xyrille Bueneventura!" Ayan nakatikim tuloy ng batok.

"Ano ka ba Clyde may boyfriend si Thelle. Isa pa mukhang hindi naman siya kilala ni Bl- okay ni Shin I can't use her real name." Si Xy napabuntong hininga naman ako kasi saan tingnang anggulo tama at totoo ang sinabi ni Xy.

"Ay beks hinayang na hinayang? Pano na si fafa Renz?"

"Nakapag desisyon na ko kakalimutan ko na si Shin, hindi na ko magpapa-apekto pa sakanya. Never! Itaga niyong dalawa sa bato!" Tiningnan lang ako ng makabuluhang tingin nung dalawa.

"I doubt it." Panira talaga tong si Xy

"Agree. Thelle kami ang naging saksi kung paano ka nagpaka tanga sa taong nakilala mo sa mundo na may letter F na logo. Mahal mo siya. Period!" Napadukdok naman ako sa lamesa at yinakap ang bag ko.

"Ewan ko ba. Wrong timing." Nakakapanlata yung taong minahal ko ng sobra kahit sobrang layo noon eto na sobrang lapit na sakin pero hindi ko man lang maabot.

"B-beks bangon!" Tinatamad kong inangat ang ulo ko at bumungad sakin ang magandang mukha ni Blythe habang nakangiti.

"I owe you a lot kanina, kaya pede ko na bang samantalahin? Sabay na tayo mag lunch? Isama mo na din yung mga kaibigan mo my treat." La pafall. Okay kalma kakasabi mo lang na never ka ng magiging marupok sakanya.

"Tara po Ma'am." Pano ka magiging hindi marupok kung may mga kaibigan ka namang buraot, at ang kakapal mga nakatayo na agad.

"Tara na Thelle." Shet ang ganda niga talaga!

"S-sige po." Tumayo na ko at naglakad na kaming apat pero yung dalawang hinayupak eh nasa likod lang namin ni Blythe pinagtitinginan na kami nang lahat.

Pagdating namin sa cafeteria grabe ang daming mandirigmang college student na nakikipagbakbakan para lang makakain.

"Ako na o-order ano gusto niyo?" Pede ko bang sabihing comeback?

"Ikaw." Ang nakatulala kong sagot habang nakatitig sakanya. Pero siya ay natawa lang.

"Beks rumurupok, nasaan na ang itaga sa bato?" Ang bulong sakin ni Clyde.

"I mean ikaw na po bahala Ms.Blythe. pero ako po burger na lang." oh my gas! Naman kasi!!!

"Kami din po." Si Xy na tinakpan na ang bibig ni Clyde.

"Kailangan rice meal or may pasta. Lalo ka na Thelle may gamot ka pang kailangan inumin." T-teka biglang nag-init yung pisngi ko woah! Grabe ah ang caring!

"Nakita kong may inabot sayo si Ms.Amy kanina na gamot."

"Ahmmm kayo na po bahala Ms.Blythe." hindi ba pedeng maalala na lang niya ko? hindi ba pedeng kami na lang ulit? Hindi ba pedeng tuparin naming ang mga pangarap na binuo lang namin sa mundo ng chat?

"Okay sige hanap na kayo ng pwesto natin." Naglakad na kaming tatlo hanggang sa may makita kaming bakanteng lamesa para sa apat pero etong si Clyde pinaghiwalay pa.

"T-teka ano ginagawa mo Clyde?!

"Beks sinusuportahan ka this is your first lunch kasama ang taong mahal mo." Ang bulong sakin ni Clyde.

"Sa totoo lang hindi ko na alam kung anong side ko yung may crush sakanya yung macho side ko o yung barbie side ko? In either way Ms.Blythe Martinez is hot!" Mabuti na lang at walang nakakapansin samin.

Dahil faculty member siya ay nakapag order na siya agad.

"Ma'am okay lang po na kayo na po muna ni Thelle ang magkasama?" Galing aarte nitong si Clyde.

"Sure. Okay lang ba sayo Thelle?" Umiwas naman ako ng tingin.

"O-op-" hindi pa ko nakakasagot ng biglang iayos ulit ni Xy yung lamesa.

"Tabi tabi na lang tayong apat." Okay panira na talaga siya.

"Ms.Blythe pedeng magtanong?"

"Oo naman."

"May boyfriend po kayo ngayon?" Natawa muna siya bago niya sagutin ang tanong ni Clyde.

"Wala. I'm too busy searching for someone." Tiningnan ko saya at kapag tumingin siya sakin sa mata ibig sabihin kilala niya ko pero hindi! Hindi siya tumingiiiiiin bakiiiiit?!

"So kailan ang huling relationship niyo po?" sige tama yan Clyde natutuwa na ko sa mga tanong mo ngayon lang ako natuwa sa pagiging chismoso mo.

"My recent partner we broke up last year." Ouch for 3 years nahirapan akong ipagpalit siya pero siya nagkaroon siya ng partner 1 year ago.

"Gaano po kayo katagal?" ang singit ko naman tanong.

"1 year. Hahaha do we really need to talk about my lovelife?" I don't know but I really love her voice.

"Babe." Napatingin kami kila Renz kasama ang ilang barkada niya.

"Ms.Martinez sorry po kanina." tumingin naman ako sakanya. Bakit ano kaya ang ginawa nila?

"Alam kong biruan lang naman yun sanay akong sumakay sa biro." Wag kang ganyan baka pormahan ka ng mga tukmol na barkada ni Renz!

Pero hindi pa siya tapos kumain ng biglang tumunog ang cellphone niya.

"Mauna na ko sainyo nakalimutan ko na may gagawin pa pala ko." Tumayo na sya at halata ang panghihinayang sa mukha ng mga barkda ni Renz at sa mukha ko din. Umiling na lang ako okay Earthelle Castillo you have a boyfriend now! wake up!

"By the way Renz kumain ka na?" ang baling na tanong ko na lang sa boyfriend ko.

"Yup maaga kaming nag lunch babalik na din kami sa building namin. Don'f forget to drink your meds." Lumapit siya sakin at bumulong.

"I love you." Ngumiti na lang ako ewan ko parang walang epekto dahil ba na kay Blythe na ang atensyon ko? Kasi naman sobrang nakakamangha ang nangyari saming dalawa.

"Sige na balik ka na sa room niyo, kain lang kami kita na lang tayo mamaya." Binigyan niya ko ng ngiti na para bang nasaktan siya dahil hindi ako nag I love you too sakanya.

"Sige, ingat." umalis na silang magbabarkada at kami na lang naiwang tatlo nawalan tuloy ako ng ganang kumain.

"This is what I'm expected to happen." Si Xy.

"What do you mean?" Ang sabay na tanong namin ni Clyde.


Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • CONNECTED   SEVEN

    BLYTHE"Oh ano ginagawa mo dito?" Ang masungit na sabi nitong si Ela."Ela naman eh! alam mo naman na kinausap ako ng mama ni Thelle." Naupo na ko sa sofa niya, at binalibag kung saan ang maletang dala ko."Hays may magagawa pa ba ko?" halata ang kawalang gana sa pananalita niya at naupo na lang siya sa tabi ko."Blythe itigil mo na kaya ang pagsunod mo kay Earthelle?" Tinignan ko na lang siya na para bang sinasabi ko na seryoso ka ba sa sinasabi mo?"Ela ikaw ang pinaka nakakaalam kung ano ang pinagdaanan ko para lang makita si Thelle at ngayon na nakita ko na siya, hindi na ko maduduwag pa." buo na ko ng paninindigan."Korni ah tsss siguraduin mo lang let me remind you, you only have 3 months to do that after nun babalik na si Ma'am Hilda." At maalis ka na din sa school."I know." Sinandal ko ang balikat ko sa sandalan at doon nilagay an

  • CONNECTED   SIX

    EARTHELLE"Good morning!" Ang masaya kong bati kila Xy at Clyde."Ay beks alam ko yang ngiti na yan." Kinurot pa ni Clyde yung tagliran ko."Oi Earthelle Castillo aral muna bago landi!" Mahina pa kong sinabunutan nitong si Clyde."Grabe ka naman landi agad?" Masaya akong naupo sa upuan ko."Sana yang eyebags mo na yan ay bunga nga ng pag re-review mo at hindi ng sinasabi ni Clyde." Nilayo ko na yung mukha ko ng aktong dudutdutin ni Xy ang mga to."Ano ka ba Xy kita mo naman sa exam na ginawa mo di ba? Lagpas kalahati ang natama ko hindi katulad mo Clyde" pinitik ko pa ang tenga nito masyado kong good mood."Ok class magsiayos na kayo ng upo alpebethical arrange!" Ang aga-aga highblood tong si Sir Aaron hindi to siguro crush ng crush niya."Yes sir! Pero sir ngumiti ka naman umagang umaga highblood ka." Ang nakangiti kong sabi bag

  • CONNECTED   FIVE

    EARTHELLEBuong weekend ay wala si Blythe sa paupahan nila Tita baka kasama nanaman nun si Ela."Ms.Castillo are you listening?" Si Sir Aaron."Sir sorry po." Umayos na ako ng upo ko, dahil kahit anong isip abg gawin ko dito si Ela padin ang kasama niya."Tulad nga ng sinabi ko ay exam week niyo na next week kaya siguraduhin niyong mag-aaral kayo ng mabuti, lalong lalo na kayo Ms.Castillo at Mr.Sanchez." binigyan pa kami ng matalim na tingin ni Sir."Luh! Nadamay pa ko sir!" Si Clyde"Ms.Bueneventura bantayan mo nga lang yang dalawa mong kaibigan." Tinignan namin si Xy na naka headset kaya hindi niya naririnig si Sir Aaron at wala pading pakielam sa paligid niya."Haist! Sumasakit talaga ang ulo ko sainyong tatlo." Highblood na lumabas si Sir. Siniko naman namin si Xy para naman alam niyang nasa eskwelehan siya at wala siya sa kung ano man

  • CONNECTED   FOUR

    EARTHELLESaturday ngayon kaya nakakulong lang ako sa kwarto ko ayoko na munang kausapin kahit na sino. Pero napabangon ako ng may kumatok sa kwarto ko."Insan." Isasarado ko na sana ulit yung pinto ng pigilan niya to."Okay ka lang ba?" Sinukuan ko na siya sa kakulita nya at hinayaan. Ko na siyang pumasok sa loob."Oo." Ang tinatamad kong sagot at humiga na ko sa kama ko."Hindi ka okay.""Alam mo naman pala ee." Inirapan niya lang ako."Seryoso Thelle nagkakaganyan ka lang naman nung ka chat mo pa noon yung Shin na walang bayag na yun ee." Napatakip na lang ako ng unan sa mukha ko. Pinaalala pa niya si Blythe!"Amy ganito pano kung mahal mo pa yung ex mo pero may boyfriend ka?" Pinitik niya yung noo ko."Sabi na ee nagparamdam nanaman yung boyfriend mo na nakilala mo lang sa facebook hoy Earthelle Castil

  • CONNECTED   THREE

    EARTHELLEMagkikita kami ni Blythe mamaya pagkatapos ng klase namin."Good afternoon class.""Good afternoon din Po Ms.Blythe." ang masaya kong bati kaya napatingin sakin lahat."Mukhang maganda ang araw mo ngayon Ms.Castillo." at doon lang nag process sakin ang lahat. Nakangiti at napailing na lang siya sa inasta ko kaya siniko naman ako nung dalawa kaya binawasan ko na yung ngiti sa labi ko."All ayes on me I have this important announcement." Of course my eyes is all on you. I know this is wrong I'm not faithful with my boyfriend but how I can stop my feelings for her."Next week na ang intrams and si Sir Aaron ay pinadala naman sa seminar for that whole week so he asked me na ako muna ang magigigng substitute adviser ng course niyo nasabi ko na din to sa ibang year." Sabay sabay namang nagsigawan sa saya ang lahat."Ok shhh enough na simulan

  • CONNECTED   TWO

    EARTHELLEIt's been a week ng magturo dito si Blythe at nung nakabisado na niya ang schedule niya ay iniiwasan ko na siya at kapag nagtuturo siya sa class namin binabaling ko na lang ang atensyon ko sa pag dra-drawing sa likod ng notebook ko. Dahil ganun din naman Wala din naman akong maiintindihan."That's all for today." Mukhang wala din siya sa mood."Mga Beks una na ko hindi ako makakasabay makauwi may practice kami sa gym ng volleyball para sa intrams." Si Clyde"Ako din para sa quizbee" Si Xy.Hay ako wala man lang akong masalihan dahil sa sakit ko sa likod ko hays."Sige si Renz naman ay mamaya pang 7:30 tapos ng klase niya." Naghiwa-hiwalay na kami at sobrang malas ko nga naman umulan pa ang hirap nyan mag commute."Bahala na susugod na lang ako sa ulan!" Ready na sana ko sa pagtakbo ng bigla na lang may humila sa braso ko.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status