Dominant Series 2: Luscious (Tagalog)

Dominant Series 2: Luscious (Tagalog)

last updateLast Updated : 2020-08-04
By:  VraielLajjCompleted
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
0 ratings. 0 reviews
41Chapters
2.6Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

WARNING: Mature Content || R18Please be advised that this story contains mature themes and strong language."If chasing you still part of the game, then run." - HudsonDoc. Hudson Herrence Hayes is not your typical man of your dreams. Kung mamahalin mo ang isang tulad niya, dapat handa kang sumugal kung hanggang saan mo kaya. Lahat yatang babae, gustong maangkin ang binata. Pero may isang problema, Hudson was naturally born heartless...cold and deadly. He's much consider as human robot. Manhid. But things went south when Abhaya loathed and despised him...

View More

Chapter 1

Chapter 1 - The Game She Played

Nothing happens by chance, by fate. You create your own fate by your actions. 

***

Busy si Abhaya sa paglalagay ng eyebrow sa kaniyang kilay pero hindi niya makuha ang tamang timpla. Lumalagpas ang linya. Nadi-distracted siya sa tuwing lumilitaw ang mukha ng lalaki sa kaniyang isipan. Paano ba kasi kalimutan ang lalaking nagbigay ng kulay sa mundo niya?

Nagsimulang pumatak ang luha sa kaniyang mata pero pinigilan niyang 'wag bumagsak iyon. Kailangan niyang maging matapang. The game she played was playing her back. Nakakalungkot lang isipin... Dahil ang larong pinasok niyang laruin ay bumalik sa kaniya at ngayon puso niya ang nakatayang pustahang laruin ng lalaking kilala niya sa pangalan Hudson Herrence Hayes. 

Nakikita niyang malalaki na naman ang eyebags niya at halatang ilang araw siyang walang tulog. Mapait siyang napangiti. Yes, si Hudson ang lahat ng dahilan nito. Sa lahat ng tao, bakit dito siya nahulog? Sa sobrang busy niya sa paglalaro, hindi niya napansin siya na ang pinaglaruan at kabaliwan na kung kabaliwan, nagustuhan niya ang larong gusto nito. 

Lumabas siya ng restroom na parang walang nangyari. Nakangiti at handa na naman makipagplastikan sa mismong sarili niya. Kahit sarili niya ay pinaplastic niya sa isipin makakaya niya. Makakaya nga ba niya talagang pakiharapan ang mundo ng ganito? 

“You okay?” 

When was the last time she's okay? Nakalimutan niya na yata sa sobrang tagal. 

Agad siyang tumango. “Yep, I am. Sorry I took so long. Let's go?” Agad niyang niyakap ang kamay sa braso nito pero pasimpleng tinanggal nito ang kaniyang kamay. Napangiti siya pero sa kaloob-looban ng dalaga, masakit na masakit na. 

“I hate public display, Abhaya,” Hudson mark that word with finality on his tone. 

Ngumiti siya ng matamis. Nagkunwari siyang balewala lang iyon sa kaniya. Bakit ba nakalimutan niyang ayaw pala ni Hudson ng ganito. 

"Don't text nor call. Kung may gusto kang sabihin, leave a message first then I'll call you.” Saka nito pinaandar ang mamahalin sasakyan na sa panaginip lang niya mabibili at mahahawakan. 

Hudson Herrence Hayes, isang mayamang Doctor. Aside sa pagiging hot doctor nito, mechatronical engineer ito at nagmamay-ari ng mga Spare Parts ng mga mamahaling kotse sa iba't ibang panig ng mundo. He's a secret billionaire and a businessman. Hindi niya alam kung paano nakaya nitong ihandle lahat ang oras dahil kung siya ang tatanungin, wala siyang maisasagot. Ang sarap niyang isako kung bakit sobrang bobo niya. Nagmana yata siya sa kapit-bahay nilang walang ibang ginawa kundi ang maglasing nang maglasing. Siya, lasing sa pagmamahal niya rito. 

Nakaalis na ang binata pero nanatili pa rin siyang nakatayo sa pintuan habang nakasunod ang paningin niya sa umalis ng sasakyan. As usual, pinagtitsismisan na naman siya nang kaniyang mapagmahal na kapit-bahay. Sikat siya rito sa lugar nila at minsan gusto na nga yata niyang sumaling mag-artista. 

Tamad na binagsak niya ang kaniyang katawan sa sofa at binuksan ang cellphone. Walang bago, gano'n pa rin ang social media. Kung anu-anong walang kwentang nababasa at nakikita pero natigilan siya saglit nang may nabasa siyang isang link. 

Doc. Herrence Hayes is dating a Beauty Queen. 

Pinatay niya ang cellphone at walang emosyon na nakipagtitigan sa kesame. Alam niyang chick magnet and playboy ang lalaki. Nothing new. Babae na lumalapit dito at isa siya sa mga babaeng naging tanga. Well, she's kinda beautiful too, and sexy and a bad liar. 

Bad liar... 

Mapaglaro talaga siya dati pa pero ngayon, nag-iba ang ihip ng panahon. Sa pagmuni-muni niya, hindi niya namalayan nakatulog na pala siya. Sumuko rin ang utak at ang kaniyang katawan at 'yon yata ang pinakagusto niya sa lahat, 'yon makatulog siya. Sandali niya kasing nakakalimutan ang lahat...

“Come on Kienie, stop playing heart. Hindi mo alam ang karma at kapag tinamaan ka niyan, ipupusta kong iiyak ka ng bongga. Karma is digital!” 

Nag-ikot siya ng eyeballs sa sinabi ng kaniyang not so called friend at kasamahan sa trabaho. Ang drama nito. Wala naman siyang ginagawa at hindi naman siya naglalaro ng puso... Hindi nga ba? 

"Ano ka ba! Gaga mo. Wala naman akong inapakan tao, okay? At anong karma is digital, camera 'yan?” pambansang rason ng mga taong tulad niya. 

“Wala nga ba? Sino itong si Arthur? Si Zaid? Dalawa pa talaga, ah. Tindi mo bess!” 

Tumayo siya. Tamang-tama, lunch break at gutom na gutom na siya. Kasalanan ba niyang pinanganak siyang maganda at maraming naghahabol sa kagandahan niya? Hindi. At hindi naman siya basta-basta nag-open legs sa mga ito. Utak lang ang binubuksan niya at pagkatapos, sarhan ulit. 

“Saan ka?” matinis na tanong nito. Kulang na lang ay habulin siya ng itak.

“Kakain malamang! Aba'y kung 'di ka gutom lukaret ka, ako gutom na gutom na.” Iniwan niya na ang kaibigan na hindi makahuma. Shocked na shocked yata sa kagandahang taglay niya.

Bakit nga ba maganda siya? Gusto niyang matawa sa naisip. Dapat talaga magpasalamat siya sa genes ng magulang niya. May tumawag sa kaniya sa cellphone nang nagmamadali siyang sumakay ng elevator pababa para kumain sa isa sa mga fast food. Bahala na ang kaibigan niya pero sa kaniyang pagmamadali, hindi niya napansin na sa isang golden elevator siya nakapasok. 

“No. I don't want to come. I'm sorry,” pinal na sagot niya at nag-ikot pa ng mata. Ang makulit na pinsan niya na nagyaya ng hangout sa isang sikat na bar sa Makati. 

Natigil siya saglit nang may pumasok na tatlong lalaking nakasuit. Hindi na siya nagtaas ng tingin para tingnan iyon. Masyado siyang busy sa pakikipag-usap sa kaniyang pinsan na sagad yata sa boto ang kakulitan. Ang akala niya kung anong importanteng itatawag nito.

“No!” 

Natahimik ang tatlong nag-uusap sa kaniyang likod. Nasa harapan kasi siya pumwesto para mabilis ang pagbaba niya at hindi niya na kailangan pa makipagtulakan sa kapwa empleyado.

“Come on! Ang unfair mo. Bahala ka diyan! Basta ayuko ko! That's final and whaaatttt?!” halos sigawan niya na ang kausap sa cellphone. Nagpapadyak pa talaga siya. Nakalimutan niyang may kasama pala siya sa loob ng elevator na iyon. Nakalimutan ba talaga o sadyang maarte lang talaga siya.

Patuloy siya sa pagrereklamo at pagsasalita nang huminto na mismo ang elevator sa ground floor. Nauna siyang lumabas pero saglit din natigilan nang makalimutan niyang wala pala siyang dalang pera at wala siyang dalang bag. Tanging phone lang dala niya. God! Pumihit siya pabalik para umakyat pabalik sa 10th floor para lang bumangga.

“Damn!” narinig niyang reklamo ng lalaking sino man nakabangga niya.

Hmp! Napaismid siya at handa ng magtaray nang pagtaas niya ng tingin ay naiwan sa ere ang anuman sasabihin niya. The man standing infront of her was Doc. Herrence Hayes. He's wearing black coat and tie. Oh God! Sobrang gwapo nito. Pakiramdam niya lumabas ang kaniyang puso ng mga sandaling iyon.

“Excuse us,” anas ng baritonong boses sa likod nito.

Napalipat ang tingin ni Abhaya rito, shit! Gusto niya ng maglaho sa mundo. It was Mr. Cuhen Malcogn and Mr. Azael Aadi Legrand. Ang may ari ng kompaniyang pinagtratrabuhan niya! Of all malas bakit ngayon pa? Karma is digital nga, no it's camera pala. Napatingin siya sa elevator na pinasukan, gusto niyang maglupasay sa sobrang inis... Sa pribadong elevator pala siya pumasok! Bawal na bawal iyon sa mga empleyadong tulad niya. 

Sa sobrang kahihiyan, pumihit siya at tumakbo! Nakaheels siya ng 4 inches at naka-fitted dress pero sa mga sandaling iyon parang athlete of the year na siya. Ang bilis niyang tumakbo! Sana hindi siya matandaan ng mga ito. Ayaw pa niyang matanggal at wala siyang planong maghanap ulit ng trabaho!

Nagising si Abhaya nang ilang beses na tumunog ang doorbell. Mabilis lumipad ang kaniyang tingin sa wallclock na malapit sa pintuan, mag-alas otso na ng gabi. Sumumbra yata ang tulog niya! Mahigit apat na oras siyang tulog. Nag-unat muna siya bago niya tinungo ang pintuan para buksan ang kung sino man bwesita niya ngayon gabi. Dinisturbo pa ang kaniyang masarap na tulog! Napairap siya sa bahaging iyon. 

“You never answer my text and call, Abhaya,” seryusong mukha ni Hudson ang sumalubong sa kaniya. Nakapamulsa ito at alam na alam niya na ayaw nito na hindi sinasagot ang tawag o message. Mababa lang ang presinsya ng binata at mahirap itong pangitiin. 

“I fell asleep, I'm sorry. Come in.” Binuksan niya ang pintuan para makapasok ito. 

Nanatili lamang itong nakatingin sa kaniya na parang tinitimbang ang kaniyang sinabi. “Get dressed. We're going somewhere.” Walang ka-emosyong saad nito at nagtungo sa sasakyan na nakahimpil sa harap ng kaniyang apartment. 

Marahan siyang tumango. Ano pa ba'ng magagawa niya, she was a slave to his charm. Lahat ng ano man gusto at sinasabi nito ay ginagawa niya. Tanga na kung tanga pero pati utak niya, hindi niya na mahagilap kung saan niya inilagay. Siya na ang 'Tanga of the Year'.

Nakasuot siya ng jeans at simple na blouse nang pumasok siya sa sasakyan. Samantalang nakaharap si Hudson sa laptop nito at halatang busy sa ginagawa. Eksaktong napakunot noo ito nang mapalingon sa kaniya. Sinuyod nito ng tingin ang kaniyang suot.

“Something wrong?” nagtatakang tanong niya. 

“Change your clothes. Wear something decent. Cuhen is throwing a surprise birthday party for his wife and we are late.” Napatingin ito sa orasang suot. “Fix it now. I'll give you 20 minutes.” Binalik nito ang atensyon sa laptop.

Lihim siyang napabuntunghinga at marahan lumabas sa kotse nito. Nagmamadali siyang magbihis ng isang simpleng bestida at naglagay ng konting make up para pagtakpan ang sakit na nararamdaman niya. Wala pang 20 minutes, nakabalik na siya. Tiningnan lang siya ng binata at pagkatapos, pinaandar na nito ang sasakyan. Hinid siya umimik. Binuksan niya ang phone niya at dalawang miscalls at isang text lang ang galing sa binata. Kung sabagay, kailan ba siya tinadtad ng text nito? Kung tutuusin, balewala lang siya. 

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters
No Comments
41 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status