Mag-log in"You're the poison I'm willing to drink in," - Zyd McCluskey Odd and cliché but Lianne Elhoutte believe that maybe her forever lies on the other side of universe. And that she met Zyd Caiden thru social media and her biggest mistake, nahulog siya. Now she's totally doom... Pero bakit hindi siya nito kilala nung magkita na sila sa personal? And masaklap pa, ikakasal na ito. Paano na puso niya? DISCLAIMER: This story and characters are fictitious. Certain long-standing institutions, agencies, and public offices are mentioned, but the characters involved are wholly imaginary.
view moreNapasandal si Zyd sa upuan habang nakatingin sa kawalan. Nakalipad na ang private plane na pagmamay-ari ng Pittsburgh Penn Team habang ang kaniyang mga kasamahan ay subrang iingay at nagkakantyawan. Tahimik lang siya sa tabi habang inaalala ang masasayang sandali nila ng babaeng pinaglaanan niya ng mahabang panahon at pagmamahal. Siguro tama nga ito, na kasalanan niya kung bakit ito nagloko sa kanilang relasyon dahil sa kawalan niya ng oras.But fuck! Dalawang beses na rin. Kung hindi pa siya nagpatulong kay Hudson nitong nakaraang araw, hindi pa niya malalaman na ang babaeng gustong gusto niyang iharap sa altar balang-araw, ay lihim siyang ginagago. Proof ang mga messages sa social media nito at lahat ng klaseng messaging app. Maliban pa d'yan, may nangyayari sa mga 'to ayon na rin sa mga nude pictures na puro nasa kama. Nakakatawang isipin lang, matagal na rin siyang ginagago ng kaniyang fiancée.Hindi siya gago para man
Inismiran niya ang lalaki. Sa subrang kabigatan nito, hindi niya kinayang dalhin pa ito sa sala kaya ang kaniyang ginawa ay sa gitna ng bahay niya ito iniwan. Kumuha na lang siya ng throw pillow at nilagay sa uluhan nito. Ayan kasi, iinum-inum hindi naman pala kaya. Inayos niya ang pagkakahiga ng binata at inayos din ang roba nitong masyadong revealing. Kung hindi siya desinteng babae baka nagahasa niya ito.Sumunod na ginawa niya ay tiningnan lahat ng mga achievements na nakuha nito sa paglalaro ng hockey. Subrang dami at hindi niya kayang bilangin. Bahagya siyang napangiti nang makita ang subrang cute nitong picture. Mukhang tukmol ang lalaki rito, tingin niya nasa 12 years old pa lang si Zyd sa picture na subrang tuwa at may bitbit na trophy. Mula sa minor awards hanggang sa major awards and trophy ang naka-display, isali pa ang mga iba't ibang jersey na maayos na naka-frame at nakasabit sa dingding.Napatitig siya sa picture nitong nakaa
"Bitiwan mo nga ako! Sa'n mo ba ako dadalhin?" Hinila niya ang kamay na hawak ni Zyd nung papunta sila sa sasakyan nito sa labas.Halos atakehin siya sa subrang lakas ng pintig ng kaniyang puso kanina sa loob ng shop nung kunin siya ng binata sa officer na nakahawak sa kaniya. Buong atensyon nito ay sa kaniya lang nakatuon at walang salitang hinawakan ang kaniyang kamay at hinila palabas."Away from Kate," simpleng sagot ng binata at binuksan nito ang pintuan ng sasakyan. "Get in."Nagdadalawang isip siya kung sasama ba siya kay Zyd o talikuran ito. Pero pinili niya ang unang option nang mapasulyap ang kaniyang mata sa shop at kitang-kita niya ang nangangalaiting fiancée nito—ex rather.Sa Point State Park siya dinala ng lalaki pero hindi sila bumaba sa sasakyan nito. Nanatili lang sila sa loob at deritso lang nakatingin ang mga mata nito sa fountain na nasa gitna ng park. Sandali siyang
Biglang bumagsak ang sabon na hawak niya at napatili ng malakas. Siya ang—siya ang unang nag-insist na angkinin siya ng binata. Awtomatikong bumukas ang pintuan at nag-alalang mukha ni Zyd ang bumungad sa kaniya."You okay?"Mabilis niyang tinakpan ang kahubaran nang pumasok ito. "Bastos!" binato niya ito ng shampoo.Nag-iwas ito ng tingin at walang salitang umalis. Naiinis at naiiyak siyang napasabunot sa kaniyang buhok nang magsara ang pintuan. God, why? Parang gusto niyang iuntog ang ulo sa malaking salamin na nasa harapan niya. Bakit niya nagawa 'yon? Sa isiping siya pala ang unang gumawa ng moves, namumula na ang kaniyang buong mukha sa kahihiyan at kagagahan. Ang tanga niya!Pinahiran niya agad ang mga luhang pumatak sa mga mata niya at dali-daling nagbihis. Kailangan niya ng makaalis sa bahay nito and pretend na hindi nangyari 'to, na walang nangyari sa kanila, na





