LOGINThe last thing Edgar Villegas remembered was the coldness of her eyes staring at him. He thought he died. No, he was sure he died. No one's gonna survived if a whole hand pierced through your heart, right? But why is he on the hospital bed, unharmed? * * * DISCLAIMER: Names, characters, places, and incidents are either product of the author's imagination or used fictitiously. Any resemblance to actual people, living or dead, events, and locals is entirely coincidental. The myth in this story is based on the mythology of Katagalugan and some parts of Northern Luzon. NOTE: This story may contain strange or twisted ideas, words, and scenes that do not suit your preferences as a reader. The characters do not personally reflect exactly what the writer is. It is advisable to read it with caution. No part of this story may be translated into other languages, printed, copied, or reproduced without the written permission of the author.
View MoreAng tanging puti sa suot ng babae ay ang sando sa ilalim ng nakabukas nitong itim na jacket, pinarisan nito ng kaparehong kulay na pantalon at hanggang tuhod na bota. Kulay gatas ang kutis nito, nakalagay sa ibabaw ng kanang balikat nito ang nakatirintas na mahabang tuwid at itim na itim na buhok, ang kaliwa naman nitong mata ay natatakpan ng may kahabaang bangs.Nakapako ang atensyon ng dalaga sa tatlong lalaki at kahit hindi masyadong makita ni Edgar ang mala-pusa nitong mga mata, hinding-hindi niya malilimutan ang kulay nitong katulad ng gabing walang bituin sa langit. Batid din niyang malamig iyon kung mak
Hindi na nagtanong pa si Jared at kinuha ang gamot, doon lang niya napansin na nanginginig ang kanyang kamay. Tinulungan siya ng binata na makatayo pagkaraan niyang inumin ito, natawa siya sa sarili nang maisip na nangyari na ito, ang kaibahan lang ay siya ang umaalalay sa kapatid.Walang sinuman ang nagtanong kung anong nangyari kay Jared, alam nila kung ano ang nakaraan nito sa mansyon subalit hindi ito nakaligtas sa mapagmasid na mga mata ng mga mamamahayag. Nakuhaan silang dalawa ng larawan at video, habang papunta sa pinakamalapit na police tent.
Kumunot ang noo ni Edgar, tama ba ang kanyang pagkakarinig? Masarap? At bakit parang hinugot sa ilalim ng lupa ang boses nito? Umiling-iling na lamang siya upang mapalis ang hindi makabuluhang naiisip, Fuck, my mind is playing games again.Nagulat si Sir Tawa sa kanyang pagtabi at tuluyang kumawala sa tinig nito ang kagalakan, "O, nandito ka na pala!"
Kaunti lamang ang alam ni Edgar sa buhay ni Jared noon, hindi dahil sa wala siyang pakialam kundi kahit anong kwento nito tungkol sa kanilang pinagsamahan ay agad din niyang nakalilimutan kapag may binanggit itong salita na magtri-trigger ng pananakit ng kanyang ulo. Hindi na rin niya inungkat pa dahil ayaw niyang pag-usapan pa ang nakaraan, nagsasawa na nga siya sa pagsasalaysay sa psychiatrist; at marahil ay parehas ang sila ng naiisip kaya hindi na rin ito nagtanong."Kung hindi mo kaya, 'wag ka ng pumasok sa loob,"