Share

Chapter 6

Author: Yesha Lee
last update publish date: 2020-09-18 15:47:46
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Find Me (Filipino)   Chapter 13

    "IYAN na nga ba ang sinasabi ko!" nakapameywang na wika ni Jane nang marinig ang kuwento ni Europa."Ako din," sang-ayon naman ni Tat. Kasalukuyan silang nasa bahay ni Jane at ikinukuwento ni Europa ang mga naganap sa pagitan nito at ni Austin."Tumigil na nga kayo. Tapos na. Nangyari na. Nagoyo na 'ko ng walanghiyang lalaking iyon!""Nagoyo ba 'yung lagay na iyon? Don't you think he's so sweet para gawin ang mga bagay na iyon? Ewan ko sa'yo Continent ha, pero para sa akin, ang sweet ng ginawa ni Sir!""Sweet? Paano mo ipaliliwanag ang pagsali sa eksena ng Shann mo? Kung ang impaktong iyon pala ang totoong si Shaider, bakit dumating ang Shann na 'yan sa tagpuan namin claiming the Shadier identity? What a conspiracy!""Ayun! E 'di lumitaw din ang totoo! Na nagagalit ka dahil sa halip na aminin niyang siya nga si Shaider ay kinuntsaba pa niya si Sir Dorantes sa mga plano niya?!""That's the big question, Tat," ani Jane. "Kung

  • Find Me (Filipino)   Chapter 12

    "NASAAN NA ang correspondence na sinasabi mong nilamay mo?"Mainit na naman ang ulo ni Austin. Napapansin niyang tila napapadalas ang kasungitan nito sa mga nakalipas na araw. Marahil ay dala ng maraming problema ng iba't-ibang sangay ng kompanya nito."Malapit na. Proofreading na 'ko.""Ang tagal naman! Mukhang diyan na naubos ang oras mo ah!"Sasagutin niya sana ang bulyaw na iyon ni Austin pero biglang umalingawngaw ang baby laugh message tone niya.Napaawang ang labi niya sanhi ng mensaheng nabasa sa cellphone. Malinaw na nakasaad doon na hindi na tuloy ang kasal nina Conrad at Elmira. Maging ang engagement party na binabanggit nito noon ay kanselado na rin."Paano kang matatapos kung wala kang ginawa kundi ang makipag-text diyan sa de-karo mong nobyo?!"Nagulat siya sa sigaw na iyon ni Austin. Naningkit ang kanyang mga mata at naging isang linya ang kanyang mga labi pero pinili niya ang hindi na lamang kumibo. Na

  • Find Me (Filipino)   Chapter 11

    "ELOW sweetie, howdy do?"Napaismid siya nang mabasa ang kapapasok lang na message sa kanyang cellphone. Hindi niya sinagot ang text na iyon. Naiinis na siya dito dahil paulit-ulit itong nangangako na darating pero hindi naman ito tumutupad. Marahil ay nag-aaksaya lang siya ng oras sa pakikipag-text dito kaya ipinasya na niyang tumigil."Are u free tonyt?"Napangiti na siya pero hindi pa rin niya sinagot ang text na iyon."INBOX @ 7pm - c u der..."'Huh? Totoo kaya ang sinasabi ng unggoy na ito?' "Nice joke..."Hindi siya nainip sa paghihintay ng reply ni Shaider dahil saglit lang ay sumagot na ito."I'll be der...PROMISE.""I hate the word. U sure, anyway?""YES *wink*"Ok den...c u l8r."Bibigyan niya ng pagkakataon ang Shaider na ito pero subukan lang nitong de

  • Find Me (Filipino)   Chapter 10

    TILA huminto ang lahat sa paligid nang magtama ang paningin nila ni Austin. Maging ang lalaki ay natigilan at basta lamang nakatunghay sa kanyang mga mata. She was almost expecting it when he lowered his head and kissed her lips. Kung sa ibang pagkakataon ay magwawala siya sa pagtutol subalit sa mga oras na iyon ay wala siya ni katiting na pagtangging nararamdaman sa dibdib. Sa halip, sinabayan pa niya ang ginagawa ni Austin at pilit na pinakibagayan ang nakaliliyong sensasyong dulot niyon.Naramdaman na lamang niyang mahigpit na hinawakan ni Austin ang kanyang kamay at dinala 'yun sa direksiyong pinangangambahan niya. Lalo siyang napapikit nang maramdaman ang pagpasok ng kanyang kamay sa bulsa nito."Eure?!" anang malakas at hindi makapaniwalang tinig. Tila naman nakuryenteng naghiwalay silang dalawa ni Austin at kapwa napalingon."Shann?!" bulalas niya habang tila magliliyab sa init ang pisngi dala ng matinding kahihiyan.Walang emosyon

  • Find Me (Filipino)   Chapter 9

    "I'M sorry, Mister Dorantes. I had to say that because of some personal reasons. Please don't get offended but when I mentioned your name, it was just...well, I didn't know you really exists...I'm really, really sorry..."Ngumiti ang replica ni Aga Muhlach at naglitawan ang mga biloy nito sa pisngi. "And who's blaming here? Wala naman 'di ba. Actually, gusto lang kita talagang ma-meet. At ngayong nakita na kita, walang problema kahit totohanin pa ang mga kuwento mo kina Austinn at Bettina."Napaungol siya sa matinding kahihiyan. Hindi naman niya inaasahang aabot sa ganito ang lahat. Ang dati nang komplikado ay nagsanga pa! And who knows kung ano pa ang mga sinabi ni Bettina tungkol sa kanya? Sa totoo lang, unang tingin pa lang ay wala na siyang katiwa-tiwala sa babaeng iyon.Napahugot siya ng malalim na paghinga. "You don't actually need to do that. Willing naman akong umamin sa mga nagawa kong mali. Kakausapin ko si Sir."His hand motion

  • Find Me (Filipino)   Chapter 8

    TOTOO BA ANG nakikita niya? Sa sampung friend requests sa kanyang Facebook ay dalawa doon ang nakapagbigay ng palaisipan sa kanya. Una ay si Agustin at pangalawa ay si Shaider.Napaisip siya. Paano nitong nalaman ang pangalan na gamit niya sa FB? Binaligtad na pangalan ang inilagay niya sa profile. Bukod doon ay hindi siya nag-upload ng kahit na anong litrato. Wala kasi siyang hilig sa mga ganoon. Idagdag pang ubos-oras ang paglalagay ng profile picture. Hindi rin niya gustong makita ng iba ang profile niya sa mga FB updates kaya naman inaasahan niyang walang makakasunod sa kanyang kakilala doon liban kina Tat at Jane. Out of curiosity ay in-approve niya ang anim sa mga requests kasama na ang dalawa.Ang pag-asang makikilala niya si Shaider ay agad na lumipad sa hangin. Masyado nitong pinanindigan ang disguise. Walang ibang litrato sa profile nito kundi ang mga larawan ng superhero bilang Shaider at Alexis. Paano niya ito makikilala?Na-excite s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status