“I vow to love you with all my heart,” anas ni Vivian sa pagitan ng mga halik nila. Iyon ang unang gabi nila bilang mag-asawa kung kaya naman para sa kanila ay espesyal ang mga sandaling iyon. Naroon sila sa isang kuwarto sa isang maganda at mamahaling hotel na talagang ipinareserba nila para sa gabing iyon. Doon sila dumiretso matapos ianunsyo ng judge na mag-asawa na sila habang ang dalawang saksi sa kanilang pag-iisang dibdib na kapwa mga kaibigan nila ay pareho ring nasa hotel na iyon at nagsasaya sa kabilang kuwarto.
Last Updated : 2020-08-06 Read more