Mag-log inA compilation of my short stories written in Filipino/Tagalog. These are works of fiction. Plagiarism is a crime. All rights reserved.
view moreThe Best Damn Word: TripIsa sa pinaka masarap na pakiramdam sa mundo ay 'yung maging kami ng crush ko.Iyong crush ko na akala ko hanggang sa tingin ko na lang mamahalin. Iyong crush long inuubusan ko nang oras para lang titigan. Kahit hindi niya naman magawang tumingin sa 'kin.Iyong crush kong itinuturing kong star na ang hirap abutin. Ang sarap sa feeling kung 'yung star na 'yon ay kusang bumaba para sa 'kin at ngayon, abot-kamay ko na siya. Iyong crush kong kinahuhumalingan ng nag-gagandahan at nag-sesexyhan na estudyante sa school, 'tapos sa isang commoner lang na katulad ko mapupunta? Aba! Parang no'ng nagpaulan si Lord ng kasuwertehan sa mundo, marami akong nasalo ko.Noon kasi sa mga romantic novel books ko lang ito nababasa at kinikilig na ako, habang nangangarap na sana ako na lang 'yung bidang babae at 'yung crush ko naman 'yung bidang lalaki. Hindi ko alam na sa isang iglap lang, mararanasan ko
Exchange Gift"Zairon! Crush ka raw ni-----"Tinakpan ko kaagad 'yung bibig ni Gideon nang mapatingin sa direksyon namin si Zairon."Ano ba! 'Wag ka nga r'yan maingay. Kainis ka!" singhal ko sa kanya.Bigla akong natauhan nang mapangiti siya kaya tinanggal ko na 'yung kamay ko.Nakakainis na talaga ang Gideon na 'to! Kundi ko lang siya... Tsk. Napakadaldal naman kasi ng Kiara chismosa na 'yon, e. Buwisit.Bigla ko tuloy naalala kung bakit."Cous, kilala ko na crush mo."Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nang pinsan kong si Ameli."Si Gideon 'di ba?""Ssh!" Nagsign ako na 'wag siyang maingay. "Paano mo nalaman?" bulong ko.Napangiti ang loka. "Cous, halata naman e. Sa titig mo pa lang gets ko na."Bumuntong hininga ako.
Magical Dream"Aray ko po, Auntie. Pasensya na po, hindi na po iyon mauulit!" pagmamakaawa ni Panyang habang namimilipit sa sakit dahil sa ginagawang pagpingot ng Auntie Sonia niya sa kanyang tainga."Napaka bagal mong kumilos bata ka! Talagang sinasagad mo ang pasensya ko! Sumosobra ka na! Kailangan sa'yo tanggalan na ng sungay dahil namimihasa ka na!" bulyaw nito sa kanya."Auntie tama na po! Nasasaktan na po ako! Pakiusap..." pagmamakaawa niya."Talagang masasaktan ka!" gigil na sabi nito tapos tinulak siya bigla kaya napaupo si Panyang.Naiyak nalang siya sa ginawa nito. Maaga siyang naulila ng mamatay ang kaniyang mga magulang at yung inaakala niyang kukupkop sa kanya, ngayon ay pinahihirapan siya.Kinagabihan, lupaypay si Panyang ng matapos niyang labhan ang maruruming dam
STOLEN SHOTSa high-tech na panahon ngayon, lahat tayo ay may kakayahan na kumuha ng litrato. Pero ang tanong, natagpuan mo na 'yung best shot?Bata pa lang, mahilig na akong kumuha ng mga iba't ibang uri ng larawan. Sabi nila may potential daw ako. Puwede raw akong maging isang magaling na Photographer balang araw.Sinunod ko 'yung payo nila pero hindi lang naman dahil sa kanila iyon. Gusto ko rin naman kasi 'yung ginagawa ko. Iyon din talaga ang pangarap ko.Masaya ako kapag nakakakuha ng best subject. Nang best shot araw-araw. Picture is my happiness. Kaya nga Photography ang course na pinili ko. Halos lahat yata ng parte ng school na maganda, nakuhanan ko na ng litrato.Minsan nagto-tour din kami sa iba't ibang lugar. Tulad ng Bohol. A famous Chocolate hills. Puerto prinsesa sa Palawan. A breath-taking under ground river. Rice terreces, Boracay, La union. At marami pang iba.