Mag-log inMabuti nalang pala at wala ngayon si Sir Mark, kong nag ka-taon na ang dito siya ngayon, baka kinain na ako ng buhay dahil sa labis na kahihiyan, at katangahan na nagawa ko kahapon. Sana lang pag-uwi niya ay hindi mag cross ang landas naming dalawa.Nangdito kami ni Manang Telma, kasama na ang ibang katulong para maghanda ng tanghalian ng biglang pumasok yong isang kasambahay.At agad itong lumapit kay Manang, may sinabi pa ito sa kanya na narinig ko naman."Manang Telma, nangdito na po si Sir Mark, at hinahanap niya po si Samantha" sabay baling nito sa akin, pati na din si Manang Telma ay napa tingin na rin sa akin. Dahil sa aking narinig ay bigla nalang lumakas ang kabog ng aking dib-dib, na para bang may tambol sa loob nito. Hindi ko naman alam ang dahilan kung bakit ako nag kakaganito. Hanggang sa nag flashback lahat ng katangahan at kahihiyan na nagawa ko sa kanya, kaya naman nakaramdam na naman ako ng hiya. I
Dahil sa nangyaring pag-tatanggol sa akin ni Sir Mark, hindi ko alam pero may kaka-iba akong naramdaman na para bang bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko. Sa tingin ko ay hindi na to normal kaya hanggat maaga pa ay ako nalang ang kusang iiwas para hindi na lumalim ang pag-tingin ko sa kanya. Dahil para sa akin ay isa ito sa malaking pagka-kamali, amo ko siya, at katulong niya lang ako, langit siya, lupa naman ako. Kaya kahit pa pagba-liktarin ko man ang mundo ay maling-mali talaga na magka-gusto ako sa kanya. Kaya simula ngayon ilulugar kona ang aking sarili aakto ako na katulong lang talaga niya, wala ng iba pa.Wala ngayon si Sir Mark dahil, may i-memeet daw siyang client. Kaya naman bilang isang katulong ay pumasok ako sa kwarto niya para mag-linis, wala naman masyadong kalat ang narito maliban nalang sa mga damit na labahin, na naka imbak sa gilid. Kinuha ko naman ito para sana ilagay sa lagayan ng mga marurumi niyang damit. Nang may makapa ako
Nangdito ako sa may swimming pool, inutusan ako ni Manang Telma na linisin muna ito dahil meron pa daw siyang gagawin yong ibang katulong naman ay inutusan niyang mamalengke. Habang nag-lilinis ako nagulat nalang ako ng biglang may kumalabit sa balikat ko. Pagtingin ko sa aking likuran ay si Mark pala tawa naman siya ng tawa na may pahawak sa tiyan pa, dahil sa naging reaction ko. Natigil lamang siya sa pag-tawa ng binigyan ko siya ng masamang tingin. Ipinag-patuloy ko nalamang ang aking pag-lilinis. Hindi ko nalamang siya pinansin."Hey, sorry na hindi ko naman alam na magugulatin ka pala" sabay kamot sa batok nito."Okay lang basta wag mona ulit uulitin" sabay tingin ko sa kanya at saka ko din siya binigyan ng isang ngiti."Okay, promise hindi kona ulit uulitin" sabay lahad nito ng kanang kamay, na para bang nanunumpa."Bakit nga pala ikaw ang naglilinis niyan? Hindi mona man yan trabaho diba?" may pag-tataka sa t
Naka higa ako ngayon habang yakap-yakap si Macky. Oo si Macky ang teddy bear na binigay sa akin kanina ni Mark. Kaya Macky ang ipinangalan ko sa kanya dahil si Mark naman talaga ang bumili nito kaya sa kanya ko ipinangalan itong teddy bear nato. Dahil wala akong magawa ay kinausap ko nalang si Macky kahit pa nag mumukha akong tanga dahil hindi naman siya sumasagot sa akin."Hi Macky, alam mo napakasaya ko dahil nag-bago na yong amo natin, hindi na siya yong cold at walang expression na tao. Sana mag tuloy-tuloy na yong pag-babago niya at sana tuluyan na nga niyang makalimutan ang sakit nang nakaraan niya, para naman tuluyan na talaga siyang maging masaya. Dahil alam ko naman na mabait talaga siyang tao" sabay yakap ko ulit dito.Hanggang sa tinawag ako ni Manang Telma dahil ngayon nga daw ang dating nina Ma'am Celine at Sir Marcos galing ibang bansa. Kaya bumaba na nga ako para kahit papano ay makatulong ako sa kanila sa kusina. Ilang oras din ang l
Nag-ayos na ako nang sarili dahil sasamahan ko ngayon si Sir, este Mark sa mall dahil may bibilhin daw siya. Alam niyo naman kung saan siya mag-punta ay kasama ako, dahil yon naman talaga ang trabaho ko ang maging alalay niya. (Mukhang gagawin pa niya akong taga bitbit kaya isinama niya ako hehehe... wag kayong maingay mga readers ah joke lang yon walang kaso sakin yon)Nandito padin ako sa kwarto ko, habang nag-bibihis naka suot lang ako ng jeans, at malaking t-shirt na panglalaki hindi naman ako sanay sa mga maiiksing damit gaya ng sinusoot ng ibang mga babae, naka lugay lang din ang mahaba kung buhok na kahit kailan ay hindi pa nakakatikim ng salon, naka tsinelas lang din ako. Kaya madali lang talagang malaman ng mga taong makakasalubong namin mamaya na isa lang akong alalay ni Sir Mark pag pinagtabi na ako sa kanya. Tumingin pa muna ako sa salamin saka nag-lagay ng polbo, binasa kona lang din ng laway ang aking labi dahil hindi naman ako sanay mag-l
Nangdito ako sa labas habang nagpapa-hangin, maayos na ang aking pakiramdam at nawala nadin ang aking lagnat simula nong nakainom ako nang gamot kanina. Alas kwatro nadin ng hapon ngayon. Si Sir Mark ay hindi padin nakauwi galing kumpanya, habang sina Manang Telma at yong ibang mga katulong naman ay abala sa kusina. Tutulong pa sana ako kaso hindi pumayag si Manang, mag pahinga lang daw muna ako. Kaya ito ako ngayon nasa may garden nitong bahay. Tinitignan ko ang mga nag-gagandahang mga bulaklak na narito hanggang sa mapukaw ang atensiyon ko sa isang bulaklak na pinaka paborito ko sa lahat ang rosas. Agad ko naman itong nilapitan hindi ko namalayan na napatitig na pala ako nang matagal sa bulaklak na yon. Hanggang sa may nag-salita mula sa likuran ko."Baka matunaw yan" kaya agad akong napalingon sa likuran ko. Bigla nalang lumakas ang tibok ng puso ko nang mapagtanto ko na si Sir Mark pala ang nag-salita. Nakangiti din ito sa akin, na nga