LOGINSynopsis Naging isang sikat na singer at compuser si Winstone Corneja. Pero hindi niya ginamit ang tunay niyang katauhan upang sa kanyang pagbalik ng pilipinas hindi siya makilala ng taong gusto niya higantihan. Nakilala siya bilang si Donghae ng kanyang mga taga hanga at subra siya hinangaan ng lahat dahil sa galing nitong kumanta at taglay na kagwapuhan. Sa kanyang pag-uwe ng pilipinas hindi niya inaasahan na ang babaeng gusto niya makita ng matagal na panahon ay biglang lalapit sa kanya at alukin siya maging modelo ng clothing brand nito. Bilang kapalit sa kanyang pag papayag manirahan ang babae sa kanyang bahay sa loob ng limang buwan. Magawa pa kaya niyag maghiganti sa taong unti-unti niyang minamahal.
View MoreSECOND CHANCE
AUTHOR: REINSKY
CHAPTER 12
Narating na ni Donghae ang condo kong saan na nunuluyan ngayon si Cloe. Tinawagan niya ito na sunduin siya sa lobby. Ilang minuto lamang ang inantay ni Donghae at dumating na si Cloe.
Patakbo siya papunta kay Donghae at bigla niya niyakap ang binata. Di na nagulat ang binata kasi alam niya na miss na miss na siya ng dalaga. Dahil matagal din sila magkasama sa amerika at magkaibigan.
"Ang saya ko kasi nayakap kita muli. Pinag'antay ba kita ng matagal?" Tanong niya sa binata
"Hindi naman, ang bilis mo nga nakababa ei..." Sagot niya
Tara na akyat na tayo sa unit ko." Paanyaya sa kanya ni Cloe. Agad naman sumunod siya rito.
"Halika pasok ka, wala pa ako masyado gamit. Kasi noong lunes lang ito kinuha ni Dongwa." Kanyang salita sa binata
"Si kuya ang tumulong sayo para makakuha ng condo?" Pagtataka niyang tanong
"Oo tinawagan ko siya na ihanap ako ng condo para may matuluyan ako. Balak ko sana sayo ako manirahan ei...kaso sabi ni Dongwa di daw pwede. Kaya pala di pwede dahil may iba kana kasama sa bahay." Pagtatampo niyang salita
Hindi yoon ang dahilan kong bakit ayaw ni Dongwa na manirahan sa kanya si Cloe. May lihim na pagtinig ang kanyang kuya sa dalaga, kaso ayaw niya ito paalam. Hindi niya maintindihan ang kanyang kapatid. Masaya si Donghae dahil may pag asa na maglapit si Cloe at Dongwa. Kawawa naman kapatid niya paghabang buhay itong single.
"Oo di katalaga pwede sa condo ko. Dahil ayaw ko mailang ka sa kasama ko sa bahay." Kanyang pag sisinungaling
"Dahil nagtatampo parin ako sa'yo, gusto ko mag'inom tayo ngayon. Pwede ba yon para makabawi kanaman sakin." Paglalambing niya sa binata
Pumayag si Donghae mag inuman silang dalawa. Ngayon lang ito humiling sa kanya muli kaya pagbigyan niya ito para makabawi manlang. Dahil kay Cloe noo. nakalimutan niya ang sakit ng kanyang puso. Masayang nag inuman silang dalawa at nagkwentuhan. Nakalimutan na naman ni Donghae tawagan si Jewel.
---
Tinawagan ni Jewel ang kanyang yaya, dahil subra na niya itong na mimiss.
"Hello." Kanyang salita agad sa kausap.
"Jewel ikaw ba ito? bakit ngayon kalang tumawag bata ka. Alam mo bang nag alala ako sa'yo, di ka manlang tumawag sa'kin." Pagtatampo nitong salita sa dalaga
"Sorry yaya, kong nakalimutan kitang tawagan. Miss na miss na kita yah..." Malungkot niyang salita
"Kong na mimiss mo ako, edi umuwe kana dito. Dahil nalulungkot na ako na wala ka. Na miss ko na ipagluto ka ng gusto mong pagkain." Maluhang salita niya kay Jewel
"Wag kana malungkot yah... kasi naiiyak ako sa sinabi mo. Malapit na'ko uuwe diyan." Kanyang pampasigla sa matanda
"Masaya naman ba diyan iha ang bakasyon mo? Tanong sa kanya ni yaya emy
"Hmm...K-kwan masaya naman po ang bakasyon ko. Sariwa ang hangin dito at ang kulay asul ng dagat. Kanyang pagsisinungaling
Magdadalawang buwan na silang magkasama ni Donghae sa condo. Hindi niya alam kong sa pagtatapos ng tatlong buwan kong magkaruon ba sila ng happy ending ni Donghae. Dahil wala silang normal na relasyon ng binata. Oo nag sasabi ito ng mahal kita, Pero di niya alam kong may pag asa na alukin siya ng kasal o maging girlfriend nito. Naisuko na niya ang bandera ng pilipinas kahit alam niya wala kasiraduhan ang lahat sa kanilang dalawa.
"Sige yah, tatawagan kita uli bukas ha para di ka malungkot." Aniya
"Sige iha asahan ko yan ah...mag ingat ka lagi diyan iha ha?" Salita ng kanyang yaya
"Opo tatandaan ko po yan, sige yah baba ko na itong telepono." Kanyang pag paalam sa matanda
Tapos na sila mag usap ng kanyang yaya, pero si Donghae wala manlang tawag siya natanggap buhat rito.
"Siguro pag nasa labas siya hindi ako inaalala, siguro hindi ako mahalaga sa kanya. Bahala siya sa buhay niya, gawin niya ang gusto niya. Sino ba naman ako para tawagan niya. Inis niyang bulong sa hangin
---
Lasing na si Donghae at Cloe. Naka limang bote silang dalawa na ubos.
"Baka magalit ang kasama mo sa bahay dahil lasing ka uuwe." Pabirong salita ni Xloe kay Donghae
Bigla naman nataranta si Donghae dahil nangako siya na tatawag sa dalaga pag nakarating ito sa pupuntahan niya.
"Nako patay ako nito, di ako nakatawag sa kanya agad." Kanyang pag sampal sa kanyang noo
"Bakit para ka diyan namutla ha? Takot kaba sa kasama mo sa bahay ha?" Pang asar sa kanya ni cloe
Di sinagot ni Donghae ang tanong sa kanya ng dalaga. Nagmadali siya tawagan si Jewel, medyo matagal nito sinagot ang telepono.
"Hello sweetie, sorry kong di agad kita natawagan ha... kasi napasarap ang kwentuhan namin ni Cloe. Kanyang pag paliwanag sa dalaga
"Akin na nga cellphone mo, ako magpapaliwanag sa kanya." Pahablot nitong kinuha ang cellphone kay Donghae
"Hello! si Cloe ito kaibigan ni Donghae na galing amerika. Pag pasensyahan muna itong kasama mo ha? Kasi niyaya ko siya mag inom dito sa condo ko. Kami lang dalawa nag iinom ngayon, kaya wag kana magalit sa kanya." Kanyang pag paliwanag sa kausap.
---
Jewel Pov
Tumawag sa kanya si Donghae at nagpaliwanag kong bakit hindi ito naka tawag agad sa kanya. Tapos bigla nalang may nagsalita na babae at sinasabi nito siya daw si Cloe. Medyo nasaktan si Jewel sa isipin na magkasama si Donghae at Cloe sa condo daw nito. Tapos nag iinuman pa silang dalawa, kahit na sabihin matalik silang magkaibigan parang di mapalagay parin si Jewel.
"Ayan Jewel dapat bago mo binigay ang bandera ng pilipinas nag isip ka muna. Dapat nagpakasal muna kayo bago bigay. Para wala kang pagsisihan sa huli." Bulong ng kanyang kabilang tenga
"Okay lang iyan, masaya kanaman kasi sa lalaking mahal mo naman ito binigay. Malay mo kaibigan lang talaga silang dalawa. Sagot naman ng kanyang kabilang tenga
"Ah....tumigil nga kayo, naguguluhan ako lalo sa mga pinagsasabi ninyo sa'kin." Baliw niya kausap sa kanyang sarili(hehehe)
"Antayin ko nalang siya makauwe dito at tatanungin ko siya kong ano ba talaga sa buhay niya si Cloe." Aniya
---
Nag paalam na si Donghae kay Cloe na uuwe na siya. Ayaw niya paghantayin si Jewel, dahil nangako ito na di na maulit noong nakaraan na gabi na siya nakauwe.
"Pwede ba dito kanalang matulog, baka ma pano kapa sa daan niyan." Pagpipigil ni Cloe kay Donghae
"Kaya ko pa naman mag maneho, kong di ko man kaya andiyan naman si kuya Dongwa para e pag drive ako." Ngeti nitong salita sa dalaga
"Okay sige, sabi mo ei.." Kanyang pagsuko sa pagpigil sana sa binata na uuwe. Gusto niya kasama matulog ngayong gabi ang binata. Kaso mukhang palpak, pero sa susunod nalang at sisiguraduhin niya dito na ito uuwe sa kanya. Bago makalabas ng pinto ng unit niya si Donghae bigla niya ito hinalikan sa labi. Nagulat ang binata sa ginawa niya
"Bakit mo ako hinalikan sa labi?" Seryusong salita niya
"Ahm..k-kwan nadulig kasi ako kala ko pisngi mo yong nahalikan ko. Sorry labi mo pala iyon." Kanyang pag sisinungaling sa binata. Naniwala naman ang binata sa kanya, kasi iniisip parin nito na walang malisya ang ginawang paghalik sa kanya ng dalaga.
"Sige alis na ako. Salamat sa pag imbita mo, ikaw naman punta sa condo ko. Ipakilala ko sayo si Jewel alam mo na ang tungkol sa'min diba.?" Pahayag ni Donghae
"Oo naman, masaya ako para sayo. Bukas pupunta ako doon sa condo mo para makilala ko na iyan nagdurog at nag patibok muli ng puso mo. Madiing niyang pahayag
Umalis na sa condo si Donghae, para umuwe na. Alam niya medyo nagtatampo ang dalaga sa kanya. kaylangan niya magpaliwanag dito. Baka ano ang isipin nito tungkol sa kanilang dalawa ni Cloe.
---
Nasa sala si Jewel nag aabang sa pagdating ng binata. Maya maya bumakas ang pinto. Inuluwa nito si Donghae na namumula ang itsura dahil naka inom.
"Akala ko ba doon kana matutulog sa bahay ni Cloe. Dapat di kana umuwe baka maaksidente kapa." Inis niyang salita sa binata
Nilapitan naman siya ng binata, pero si Jewel umusod ito. Umusod din ang binata kada usod ng upo ni Jewel hanggang sa na corner na siya ng binata.
"Nagsisilos kaba kay Cloe?" Pang aasar niya kay Jewel
"Sino ba ako para magsilos sa kanya. Hindi naman kita asawa para magkaroon ako ng karapatan na magsilos." Inis niyang balik ng salita dito
"Wag kana mag silos okay, dahil mag kaibigan lang kami niyon." Kanyang pagpaliwanag sa dalaga
Hindi manlang tini tingnan ni Jewel ang mukha ng binata. Nakatutok lang ang kanyang mga mata sa pina panuod. Hanggamg sa bigla siya kiniliti ng binata
"Ay ano ba! tigilan mo na nga yan. Nakikiliti ako sa ginagawa mo." Inis niyang salita sa binata
"Hindi kita titigilan hanggat di mo ko pinapansin. Kaya pansinin mo na ako para itigil ko na ito." Pang aasar sa kanya
"Hindi naman ako galit ah!" Aniya
"Kong hindi ka galit sa'kin, sige nga humarap ka nga sakin at e kiss ako." Ngumuso ang binata para halikan siya ng dalaga
Papikit pa nalaman si Donghae, hanggang sa na ngalay na ang matulis niyang nguso. "Kita mo galit ka nga di mo ako kiniss." Pag tatampo nitong salita
Naatawa ang dalaga sa kakulitan ng binata. Para itong bata umasta sa kanyang harap ngayon. Napatawa din ang binata ng makita na tumawa ang dalaga sa kanya.
"Kiss mo na ako para patunay na di katalaga galit sa'kin." Kapilyuhang salita niya kay Jewel
Agad naman hinalikan ni Jewel ang binata. Saglit lang sana ang paghalik niya rito ng bigla siya hatakin at hinalikan ng binata. Hanggang sa lumalim ang kanilang halikan. Muli na naman na uwe sa masayang gabi ang nangyari sa kanila ng binata.
ITUTULOY...

![The Devil Agent [Tagalog]](/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



