LOGINSynopsis Naging isang sikat na singer at compuser si Winstone Corneja. Pero hindi niya ginamit ang tunay niyang katauhan upang sa kanyang pagbalik ng pilipinas hindi siya makilala ng taong gusto niya higantihan. Nakilala siya bilang si Donghae ng kanyang mga taga hanga at subra siya hinangaan ng lahat dahil sa galing nitong kumanta at taglay na kagwapuhan. Sa kanyang pag-uwe ng pilipinas hindi niya inaasahan na ang babaeng gusto niya makita ng matagal na panahon ay biglang lalapit sa kanya at alukin siya maging modelo ng clothing brand nito. Bilang kapalit sa kanyang pag papayag manirahan ang babae sa kanyang bahay sa loob ng limang buwan. Magawa pa kaya niyag maghiganti sa taong unti-unti niyang minamahal.
View MoreSECOND CHANCE
AUTHOR: REINSKY
CHAPTER 17
Tiningnan ni Donghae ng masama si Jewel pagkatapos sabihin ni Cloe na siya ay tinulak ni Jewel. Gusto sana ni Jewel magpaliwanag kay Donghae na hindi totoo na itinulak niya si Cloe. Imbes na magpaliwanag tumakbo nalang si Jewel papasok ng kwarto at doon niya pinakawalan ang kanina pa niyang luha na gusto na pumatak. Subra siya nasaktan sa ginawa ni Donghae na pagtitig sa kanya ng masama na para bang isa siyang masama na tao.
"Bakit kay bilis mo naman pinaniwalaan si Cloe. Bakit di ka muna nagtanong sa'kin bago ako hinusgahan." Kanyang kausap sa kawalan
Samantala naman tinulungan ni Donghae si Cloe na tumayo at pinaupo niya ito sa sofa.
"Bakit galit sakin si Jewel? Nakiusap lang naman ako na kong pwede ka sumama sakin sa amerika. At gusto ko sana magturingan kami na magkapatid total siya na ang maging future wife mo. Tapos bigla nalang niya ako tinulak ng akma ko siya sana yakapin." Pagsisinungaling ni Cloe kay Donghae at may pakhikbi pa itong nalalaman
"Shh...tahan na, kakausapin ko nalang mamaya si Jewel kong bakit niya ginawa iyon." Pag patahan niya kay Cloe
Niyakap naman ni Cloe si Donghae at habang kayakap niya si Donghae napangisi siya dahil tiyak mapaghiwalay niya ang dalawa. Si Donghae naman hindi niya alam na puro kasinungalingan lang pinagsasabi ni Cloe sa kanya.
"Pwede mo ba ako hatid sa condo ko? hindi ko kaya mag drive mag isa dahil naghihina ako sa pagtulak ni Jewel sa'kin." Pagsisinungaling niya muli sa binata. Paniwalang paniwala naman si Donghae sa pinagsasabi ni Cloe
Hinatid ni Donghae si Cloe sa condo nito. Nakiusap si Cloe na kung pwede samahan muna siya at bukas nalang daw umuwe si Donghae. Pumayag naman si Donghae dahil awang awa siya sa itsura ni Cloe.
"Pwede kaba bumili ng pagkain natin sa baba? kasi gutom na ako ei..." Utos ni Cloe kay Donghae
"Sige, ano ba gusto mo kainin?" Tanong niya
"Ikaw na bahala pumili basta masarap." Nakangeti niyang salita sa binata
"Okey sige ako nalang bahala, may alam ako na malapit lang dito na restaurant at masarap ang mga luto nila." Aniya
Bumaba na si Donghae para bumili ng makakain nila ni Cloe dahil kanina pa siya gutom din. Sa subrang pagmamadali niya naiwan ang kanyang telepono. Umalis si Donghae walang dala na Cellphone. Babangon sana si Cloe ng may napansin siya na ang Cellphone ni Donghae naiwan sa kama niya at agad niya ito kinuha.
'Wag muna ako antayin dito ako matutulog kay Cloe at kong maari sana pag uwe ko bukas ay wala kana sa bahay. Di kita mapapatawad sa ginawa mo kay Cloe.' Ito ang pinadala na mensahe ni Cloe kay Jewel at agad niya ito binura para hindi mabasahan ni Donghae.
---
Si Jewel maga ang mata sa kakaiyak, napabangon siya ng tumunog ang kanyang telepono. Lumabas sa screen ng kanyang Cellphone pangalan ni Donghae. May pinadala ito na mensahe sa kanya at agad niya ito binasa. Pagkatapos niya ito binasa ay bigla nanikip ang dibdib ni Jewel.
"Galit siya sakin hindi manlang inalam ang katutuhanan. Hindi ako aalis sa bahay na ito hanggat hindi niya pinakinggan paliwanag ko." Kanyang kausap sa hawak na Cellphone. Nag replay siya sa message ni Donghae
"Hindi ako aalis sa bahay na'to. Aantayin ko ang pag uwe mo." Kanyang reply sa mensahe ni Donghae este ni Cloe.
---
Nabasa ni Cloe ang sagot ni Jewel sa mensahe na kanyang pinadala. Nang gigil naman sa inis si Cloe ng mabasa ang sagot ni Jewel. Mag rereplay pa sana siya ng matunugan niya na nakabalik na si Donghae kaya agad niya binura ang mensahe ni Jewel. Saka inilagay niya ito sa lamesa at bumalik sa pagkahiga at nagtulugtulugan siya. Pumasok si Donghae sa kwarto at ginising si Cloe.
"Baby gising kana para makakain kana. Para manumbalik ang lakas mo." Kanyang mahinang pagtapik sa balikat ni Cloe
Nag pa pungay pungay ng mata si Cloe para makatutuhanan na nakatulog talaga siya.
"Andiyan kana pala, pasensya kana ha kong napasarap ang tulog ko." Kanyang pagsisinungaling
"Okay lang...mabuti din iyan na nakatulog ka para magkalakas ka. Hindi pwede manghina ka dahil kaylangan mo gumaling." Salita niya kay Cloe
Inalalayan ni Donghae si Cloe papunta sa lamesa at pinaupo niya. Tapos saka naman niya isa isa pinaglalagay ang mga pagkain na kanyang binili sa plato. Habang kumakain nakatitig lang si Donghae kay Cloe dahil awang awa talaga siya sa dalaga. Bakit ang kanyang tinuring na kapatid pa ang dinapuan ng sakit. Nahalata naman ni Cloe na nakatitig sa kanya ang binata.
"Bakit nagagandahan kana sakin no? Aminin mo mas maganda talaga ako kay Jewel." Pabiro niya na salita sa binata
"Sira...napaisip lang ako kong bakit ikaw pa binigyan ng ganyan na sakit." Aniya kay Cloe
"Ganun talaga ang buhay...saka sabi ng doctor ko diba gagaling ako pagkatapos ng operasyon." Pagpapasigla niya kay Donghae
Ngumiti nalang si Donghae sa sinabi ni Cloe. Pinagpatuloy nila ang pagkain nung araw na'yon. Pagkatapos nila kumain si Donghae na gumawa ng hugasin. Si Cloe bumalik sa kanyang higaan at natulog uli..
---
Mag isa si Jewel magdamag sa condo ni Donghae hindi nga umuwe ang binata. Nagising si Jewel sa sikat ng araw mula sa bintana. Tiningnan niya ang oras alas otso na pala ng umaga. Palabas na siya ng kwarto ng may marinig siya galing sa kusina tunog ng isang tao na nagluluto. Sa pag akala na si Donghae ito agad siya nagtungo sa kusina. Pero nagulat siya sa nabungaran. Isang matanda na babae ang nasa kusina.
"Magandang umaga po." Bati niya sa matanda saka nagtataka kong bakit may matandang babae ngayon na nagluluto sa bahay ni Donghae
Magandang umaga hija. Anong gusto mong almusal? Nakangeti niyan tanong kay Jewel
"kayo na po bahala kong ano ang mailuluto ninyo ay akin kakainin. Hindi naman po ako mapili sa pagkain." Aniya
"Napakabait mo namang bata ka, hindi manlang sinabi ng alaga ko na'yon na may asawa na pala siya."
Namula naman si Jewel sa sinabi ng matanda na asawa
"Nako po nagkakamali kayo." Kanyang pagtatanggi
"Tinawagan ako ng asawa mo na pumunta rito at ako na daw magluluto muli simula ngayon." Pahayag ng matanda sa kanya.
Nagtataka si Jewel bakit ang matanda na ang magluluto simula ngayon. Ibig ba sabihin ei hindi na talaga siya kaylangan makita ni Donghae.
"Ipaghahanda kita...May kinuha siya sa fridge at saka binuksan ang kalan. Umupo ka muna at inumin mo muna itong juice." Salita niya kay Jewel
"Salamat po." Pinanood lang niya maghanda ang matanda. Dahil naguguluhan parin si Jewel. Susubo na sana si Jewel ng dumating si Donghae
"Oh iho andiyan kana pala, halika sabayan muna itong asawa mo kumain." Pag paanyaya ng matanda kay Donghae
Umupo si Donghae paharap kay Jewel pero hindi manlang nito magawa tumingin sa dalaga. Inabutan ng plato ni Jewel si Donghae kinuha naman nito at napatingin sa dalaga. Nginitian niya ang binata pero nag iwas lang siya ng tingin. Kinurot ang dibdib niya. Kaya mabilis tinapos ni Jewel ang kanyang pagkain dahil ito na naman siya nasasaktan.
"Nay, salamat po sa pagkain. Nabusog po ako." Ayaw niya maiyak sa harap ng matanda kaya nag paalam na ito na tapos siya
"Ha? busog kana agad ei kaunti lang nakain mo." Salita niya kay Jewel
"Hayaan na ninyo yaya siya. Baka busog na talaga." Walang ka buhay buhay na salita ni Donghae sa kanyang yaya
Hindi na kinaya ni Jewel pinapakita ni Donghae napagka inis sa kanya. Agad siya nag tungo muli sa kwarto andoon na naman umiyak. Maya maya pumasok si Donghae. Dumiritso lang ito sa lagayan ng damit nito dahil maliligo ata. Wala manlang siya pakialam sa pag iyak ni Jewel
"Pwede ba tayo mag usap?" Salita ni Jewel na akma sana papasok si Donghae sa banyo
"Sige...magsalita kana!" Aniya
"Maniwala ka sakin hindi ko itunulak si Cloe. Ang nakita mo ay hindi totoo iyon. Lumuhod siya sa harap ko at nagmamakaawa.Tutulungan ko sana siya para Papatayuin ng bigla ka dumating." Kanyang pagpapaliwanag kay Donghae at dasal niya maniwala sana ito
"Jewel hindi marunong magsinungaling si Cloe. Labing limang taon ko nakasama siya kaya alam ko ugali niyon." Madiin niyang salita kay Jewel
"Hindi porket matagal mo na kasama ang isang tao alam na alam mo na ugali niya. Oo nga pala ako 2 buwan mo palang pala kasama kaya hindi mo pa talaga ako kilala." Kanyang sigaw sa binata. Nasaktan siya subra sa sinabi ni Donghae isa lang ibig sabihin mas naniwala ito kay Cloe kaysa sa kanya.
"Wala ako magagawa kong ayaw mo ituring na kaibigan si Cloe. Kahit anong oras gusto mo umuwe sainyo malaya kana makaalis." pagkasabi niya kay Jewel agad ito pumasok sa banyo.
ITUTULOY