Mag-log inHe is the most powerful leader of Andromida Conglomerate, Asia's largest business empire and the supreme commander of an elite organization called , NEPHILIMS , an organization bound by a strong sense of friendship and brotherhood. He is the law. He set the rules. But when his congenital illness sealed him off into slumber, the kiss of one unknown woman brought him back to life. Will he find her?
view moreHINDI napigil ni Safhire ang mapaiyak sa galit nang marinig ang resulta ng initial investigation report ng NBI tungkol sa dahilan ng pagkamatay ng fiance niyang si Ray.Tama nga ang kutob niya. Hindi aksidente ang nangyari kundi sinadyang patayin ang binata. Binangga ang sasakyan nito kaya nahulog sa bangin.
"Don't worry ma'am, gagawa pa kami ng mas malalim na imbestigasyon tungkol dito." Sabi ng agent na kausap ng dalaga.
"Pupunta ako sa lugar kung saan nangyari ang aksidente." Deklarasyon niya.
"Pero ma'am, ang lugar na iyon ay restricted."
"Gusto ko lang makita yong lugar. Sana maintindihan ninyo." Sabi niya. Muling nanlabo ang paningin dahil sa mga luhang nagbabantang bumukal.Bibigyan niya ng hustisya ang nangyari kay Ray. Hindi siya papayag na basta na lamang makakawala ang kriminal.
"Why don't we let her?"Agaw ng swabeng tinig buhat sa may bungad ng pintuan.
Lumingon si Safhire at nasumpungan ang lalaking nakasandal sa hamba ng pinto. Matagal siyang napatitig rito. He is tall. Six feet more or less. Physically well-built and very, very attractive. A celebrity, she thought, can't help admiring his arresting looks.
"Hi!" Bati nito sa kanya at humakbang papalapit.
Tumayo mula sa inuupuang swivel chair ang kausap niyang agent at sinalubong ang lalaki. Nakita niyang nagkamay ang dalawa. She felt an intimidating authority soaring all around the four corners of the room.
"Kumusta," sabi nito.
"Mabuti, I'm glad you"re back." Sagot ng agent. At bumaling sa kanya. "Ms. Safhire Magdalene, I want you to meet NBI Special Agent Vhendice Queruben."
Tinuyo niya ang mga luha at tumayo. "Hellow! I'm Safhire Magdalene." Pakilala niya.
Naglahad ito ng kamay sa kanya. "Pleasure to meet you, Ms. Magdalene."
Ibinigay niya rito ang kanyang palad na agad nitong hinawakan. He squeezed her hand gently as if trying to make her feel better.
"I've heard about your fiancé." Binitiwan nito ang kamay niya. "My condolences."
"Thank you." Tanging naitugon niya. Muling sinundot ang dibdib ng matinding kirot at pangungulila.
"I'd like to help with the investigation as well, if that's okay with you." Alok nito.
"You can count on him. He's one of our best agents." Sabat ng NBI officer.
"Thank you." Sabi niya at ngumiti ng tipid. Kahit papaano nagkaroon siya ng pag-asa. Hindi mababalewala ang pagkamatay ni Ray. Hindi siya titigil hangga't di niya naihahabla sa hukuman ang maysala at mapapatawan ng karapat-dapat na parusa.
NAKAPLANO na ang mga susunod na gagawin ni Safhire. Magre-resign siya sa kanyang trabaho. Nurse siya sa isang malaking hospital. Almost one year pa lamang siya doon. Noong nakaraang taon ay sa Bacolod siya nagtrabaho. Hindi niya alam kung bakit pero hindi sila napipirmi ni Ray ng matagal sa isang lugar kahit pa noong nag-aral siya ng college. Palipat-lipat sila dahil sa trabaho ni Ray. Consultant kasi ito ng isang malaking real estate company dito sa bansa.
Pagkauwi ng apartment ay nagpahinga siya saglit sa kanyang kwatro. Inabot ng dalaga ang naka-frame na picture nila ni Ray. Kuha iyon noong engagement nila. Naiiyak na hinaplos niya ang nakangiting lalaki sa larawan. She only have him. Mula ng mamatay ang kinilala niyang magulang noong first year college siya ay si Ray na ang nag-aalaga sa kanya. Maliban sa Mama Rosa niya tanging si Ray lang ang mayroon siya. But now, he's gone too. Wala ng natira sa kanya.
Dinala niya sa kanyang dibdib ang larawan at buong pagsuyong niyayakap. The only thing that was left to remember about Ray was his undying love for her. Ginagawa nito ang lahat para mabuhay siya ng maayos. Una silang nagkatagpo sa may patyo ng simbahan sa Magdalena, Batangas. Thirteen years old lang siya noon. Dahil sa kanyang katangahan at sobrang kakulitan ay muntik na siyang mabundol ng taxi. Buti na lang at naroon lang sa malapit si Ray. Nailigtas siya nito. At sa sobrang inis ay halos umbagin nito ang driver ng taxi. Simula ng araw na iyon ay naging malapit silang magkaibigan. Parati siya nitong dinadalaw sa bahay nila at isinasama sa pamamasyal. Minsan naman ay sinusundo siya nito sa paaralan at ihahatid pauwi. Twenty-one years old siya nang simulan siyang suyuin ng binata. At makalipas ang mahigit anim na buwan nitong panliligaw ay sinagot niya ito. Sariwa pa rin sa kanyang alaala ang mga panahong iyon dahil iyon ang pinakamasasayang sandali ng kanyang buhay. Lahat ng hirap at pasakit na kanyang pinagdaanan mula ng mawala ang kinikilala niyang ina ay hindi niya na halos naramdaman. Binura ng pagmamahal ni Ray ang mga iyon na sa loob ng mahabang panahon ay siyang naging lahat para sa kanya.
"Mahal na mahal kita...Mahal kita...Ray..." Napahagulgol ang dalaga.
"ANO? Magre-resign ka?" Ikinagulat ng kaibigan niyang si Rachel ang naging desisyon niya. "Bakit?" Usisa nito.
"May aasikasuhin lang akong importante." Sagot niyang kinakalikot ang keyboard ng computer sa nurse station.
"Tungkol ba sa pagkamatay ni Ray?" Tanong nito.
Tumango lang siya.
"May foul play bang nangyari? Anong sabi ng NBI?"
"Hindi aksidente ang pagkahulog ng sasakyan niya sa bangin. May bumangga sa kanya." Halata ang antagonismo sa kanyang tinig.
"Sabi ko na nga ba. Anong plano mong gawin?"
"Pupunta ako sa lugar na iyon."
"Sa La Salvacion Province? Seryoso ka? Anong gagawin mo doon?"
"Maghahanap ng ebidensya. At hanapin ang pumatay sa kanya. Sigurado akong taga-roon lang ang kriminal."
Iniwan ni Rachel ang ginagawa nito at lumapit sa kanya. "Saf, ipaubaya mo na sa NBI ang paghahanap sa taong yon. Trabaho nila 'yan. Baka mapahamak ka lang doon."
"No. I have to do something for him. I'll seek justice. I owe it to him." Hindi rin naman siya matatahimik kaya mabuting kikilos siya para mabigyan ng hustisya si Ray.
"Hindi ka ba natatakot?" Na-aalalang tanong ni Rachel.
" He is everything to me. Ngayong nawala siya, ano pa ang dapat kong katakutan?"
"Saf..."
"Oh, by the way,hinahanap ka nga pala kanina ng head nurse."
Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Rachel at sumimangot.
" Bakit?" Nilinga niya ang kaibigan.
" Tungkol 'yan sa leave ko na hindi matuloy-tuloy." Pahayag nito.
"Bakit?" Napakunot-noo siya.
" Walang papalit doon sa assignment ko."
" Kung gusto mo ako muna ang papalit sa iyo. One week lang naman di ba?"
" Talaga? Papalitan mo muna ako?" Natutuwang bulalas ni Rachel.
Tumango lang siya at ngumiti ng tipid.
" Thank you, Saf. You're such a nice friend." Niyakap siya ng kaibigan.
" Ano nga pala ang assignment mo?" Tanong niya.
" Tagapag-alaga ni Sleeping Angel." Bumungisngis si Rachel.
" Sleeping Angel?"
" Ang lalaking natutulog sa isolated ICU sa bahay ni Dr. Ghaile Sarmiento."
" Lalaking natutulog?"
" Tama!"
" Comatose ba ang ibig mong sabihin?"
Tumango si Rachel. " Tama ka diyan. Comatose."
" Bakit nasa bahay ni Dr. Sarmiento? Bakit wala dito sa hospital?" Nagtatakang usisa niya.
"Hindi ko alam."
" Anong pangalan?"
" Hindi ko rin alam."
" Pasyente mo di mo kilala?" Ayaw niyang maniwala.
" Totoo. Hindi ko talaga alam kung anong pangalan niya. Walang sinabi ang head nurse, basta alagaan ko na lang daw ang pasyente. High profile ang lalaking iyon at wala dito sa hospital ang files niya. Hawak ni Dr. Sarmiento."
" Baka related sila."
" Siguro. Pareho silang yummy!" Kinikilig si Rachel.
" Pinagnanasaan mo ang pasyente mo." Kastigo niya sa kaibigan.
Tumawa ito. " Hindi lang ang pasyente,pati doctor niya." Biro nito.
Napangiti na lang siya sa kakulitan ng kaibigan.
NALAMAN ni Safhire na effective noong araw na iyon ang leave ni Rachel kung makahanap ito ng kapalit sa pag-aalaga doon kay Sleeping Angel kung tawagin nito. Matapos siyang bigyan ng brief instruction ng head nurse ay umalis na siya papuntang bahay ni Dr. Sarmiento.
Mansion ang narating niya na nasa mataas na bahagi overlooking the whole subdivision. Huminto ang sinasakyan niyang taxi sa tapat ng matayog na entrance ng gate. Inabot niya ang pamasahe sa driver at nagpasalamat bago bumaba.
Ang totoo, naririnig lamang niya ng madalas sa hospital at CPS ang pangalang Dr. Ghaile Sarmiento. Kahit magkasama sila sa iisang hospital ay hindi siya nagkaroon ng pagkakataong makita ito ng harapan.
He is a thoracic surgeon. The youngest thoracic surgeon known to have been possessed by the hands of God. He graduated in America and conducted his first successful operation in Los AngelesHospital.
Nag-door bell siya. Bumukas ang sub-entrance ng main gate at sumilip ang naka-unipormeng guwardiya.
" Goodmorning," bati niya sa pormal na tono.
" Goodmorning," ganting-bati ng guard.
" My name is Safhire Magdalene. I'm a nurse and I'm here to see Dr. Sarmiento."
" Sandali lang po,ma'am." Pumihit ito. Tinawag ang kasama na mabilis namang lumapit. "Tawagan mo si doc. May naghahanap sa kanya. Isang nurse." Instruct nito.
Tumalikod ang kasama nito. Nagtungo sa guardhouse. Makalipas ang limang minuto ay lumabas ito at nag-thumbs up. Pinapasok siya ng guwardiya at sinamahan hanggang sa mansion. Ito na mismo ang nag-door bell para sa kanya pagsapit nila sa main door.
" Thank you." Sabi niya bago pumanhik sa loob matapos buksan ng isang katulong ang pintuan.
" Dito po tayo." Iginiya siya ng maid patungo sa marangyang living room. "Maupo po muna kayo.Pupuntahan ko lang po si doc."
" Salamat." Naupo siya sa isa sa mga mahabang sofa roon na sa sobrang lambot pakiramdam niya ay lulubog siya. Gumala ang mga mata niya sa buong paligid. The wealth and the grandeur of the place is devastating. Bawat tamaan ng kanyang paningin ay naghuhumiyaw sa di birong halaga. Binalikan siya ng maid matapos ang iilang minutong paghihintay.This Doctor must be a billionaire.
" Ma'am, pinaaakyat po kayo ni doc sa itaas." Sabi nito.
Sinamahan siya ng maid. Sumakay sila ng elevator na naghatid sa kanila sa isang magarang receiving area na umaapaw uli sa karangyaan. Bagamat mayroong kakaibang aura ang silid na iyon. Very intimidating. Hindi niya maipaliwanag. Doon na siya iniwan ng maid.
Napaigtad siya nang may nagsalita mula sa kanyang likuran. Pumihit ang dalaga. At nagulantang sa tanawing tumambad sa kanya. Isang lalaki ang nakatayo sa may bungad ng pinto. Topless. He is only wearing a lose white trousers. Nakabandera ang mala-Greek god na katawan.
Nag-iinit ang kanyang mukha ngunit hindi niya maalis-alis ang paningin sa lalaki.
Cute? No, he's more than cute.
Handsome? Not just handsome. Yes, he is definitely a sight to behold. He's tall, deeply-tanned and no doubt the sexiest man she had ever laid her eyes on.
" I'm sorry,did I frightened you?" He gave her an arresting smile. " The head nurse told me about you, Safhire Magdalene,right?"
Napakurap siya.
This person. Could it be that he is the famous Dr. Ghaile Sarmiento? For crying out loud!
" And oh, forgive me for appearing in this shape. I'm having shower when you arrived." Hingi nito ng dispensa.
" I-It's okay." And what is she getting flustered about? Pinagalitan niya ang sarili.
" I presumed you know me already." Hindi maalis-alis sa mapupulang mga labi nito ang mapang-akit na ngiti.
" Yes, Dr. Ghaile Sarmiento."
" That's good. And the head nurse already told you about my patient here?"
" Yes. I received some briefing from her before coming here."
" Alright, magbibihis lang ako sandali. I will be back."
" Sige po."
Amused na natawa ito. Medyo naningkit pa ang magagandang mga mata nito. " How old are you, Safhire?"
" Twenty-five po."
" I see. Just a two- year difference. I'm only twenty-seven. You don't have to be so formal in front of me. I would appreciate it if you call me by my given name."
" Yes," tango lang siya kakambal ang tipid na ngiti. He is so friendly and nice that's it's becoming so unreal.
" May I have your leave then." He gave her a wink bago siya nito tinalikuran.
Tutop ang dibdib na huminga ng malalim si Safhire at pabagsak na naupo sa pinakamalapit na lounging chair. Grabe! Parang sasabog ang puso niya.
MULA sa receiving area ay magkasama nilang pinuntahan kinaroroonan ng magiging pasyente niya.
" Dala ko nga pala ang ginawang report ni Ms. Rachel." Basag ng dalaga sa katahimikan.
" That's great. I've been expecting that." Sagot ng doctor. At heto na naman ang makalaglag panty nitong ngiti. Pambihira. Natawa pa ito ng mahuli siyang nag-inhale-exhale.
Lumihis sila sa isang eskena at sinapit ang malaking copper-plated French door.
" We're here." Announced nito at binuksan ang pinto.
Kahit inaasahan na niya iyon. Nagulat pa rin siya at namangha sa kanyang nasumpungan. The room is really an ICU. Fully-equipped with the needed facilities . Based on her assessment, isa yong Cardiothoracic ICU. Kung ganoon, may sakit sa puso ang kanyang pasyente.
Mula sa mga facilities ay dumako ang paningin niya sa kama sa gitna ng silid
And there he is.
The Sleeping Angel that Rachel was talking about.
" Come in, Safhire. And kindly close the door." Tinawag siya ng doctor.
Pumasok siya at isinara ang pinto. Nilapitan niya si Sleeping Angel. At di niya inasahan na isang anghel nga ang makikita niya.
What a beautiful man! So captivating even in his sleep. Kaya pala binansagang Sleeping Angel. Mukha talaga itong anghel na natutulog.
" Taga-saan ka,Saf?" Biglang tanong ni Ghaile na umagaw sa kanyang atensiyon.
" Sa Makati ako nakatira." Sagot niya.
Tumango ito. "Kung gusto mo, pwede kang mag-stay dito for the whole week. That would be more convenient for you. 'Yan ay kung wala kang kasama sa bahay na maghihintay sa pag-uwi mo."
" Mag-isa lang ako sa apartment ko." Wika niya. Pinigil niyang wag magpatalo sa biglang paghagupit ng lungkot sa kanyang puso nang maalala si Ray. " Sabi sa akin ni Madam kailangan kong alagaan twenty-four hours ang pasyente. Hindi ako pwedeng umalis sa tabi niya, kaya tatanggapin ko na ang offer mo. I will stay here for one week."
" That's nice." Bahagyang ngumiti ang doctor. " Since you're here,I'll be going to the hospital. Call me if anything."
Tumango siya. At muling napatitig kay Sleeping Angel.
Thirty minutes na yata ang lumipas mula ng umalis si Ghaile pero nanatiling nakatayo pa rin siya malapit sa kama at matamang pinagmamasdan ang lalaking natutulog. There is something about him. He's fighting. He's willing to live. Ang puso nitong patuloy sa pagtibok ang nagpapatunay na gusto pa nitong mabuhay.
Hinatak ng dalaga ang easy chair at naupo. Inabot niya ang kamay ng lalaki at banayad na pinisil.
"Hi, there! Ako muna ang magiging nurse mo. My name is Safhire Magdalene. Siguro ang ganda-ganda ng panaginip mo. Alam mo napakaganda ng panahon sa labas. Maaliwalas. Bakit di mo subukang gumising?"
KINAHAPUNAN ay umuwi si Safhire para kumuha ng gamit. Habang pabalik ng mansion ay naisip ng dalaga na dumaan sa dalampasigan. Ni-record niya sa kanyang cellphone ang tunog ng mga along humahampas sa batuhan. Nagtungo din siya sa isang pet shop at ni-record din ang awit ng mga ibon. Pati ang maiingay na tunog ng mga sasakyan sa lansangan." Traffic?" Tanong ni Ghaile sa kanya.Alam niyang natagalan siya. Maaring kinakalkula ng doctor ang oras na dapat siyang makabalik."May dinaanan lang ako." Paliwanag niya." I see." Tumango ito. At di na nag-usisa pa.Iniwan siya ng lalaki sa loob ng ICU matapos ibigay sa kanya ang daily routine ni Sleeping Adonis na kailangan niyang sundin. Kinab
HINDI napigil ni Safhire ang mapaiyak sa galit nang marinig ang resulta ng initial investigation report ng NBI tungkol sa dahilan ng pagkamatay ng fiance niyang si Ray.Tama nga ang kutob niya. Hindi aksidente ang nangyari kundi sinadyang patayin ang binata. Binangga ang sasakyan nito kaya nahulog sa bangin."Don't worry ma'am, gagawa pa kami ng mas malalim na imbestigasyon tungkol dito." Sabi ng agent na kausap ng dalaga."Pupunta ako sa lugar kung saan nangyari ang aksidente." Deklarasyon niya."Pero ma'am, ang lugar na iyon ay restricted.""Gusto ko lang makita yong lugar. Sana maintindihan ninyo." Sabi niya. Muling nanlabo ang paningin dahil sa mga luhang nagbabantang bumukal.Bibigyan niya ng hustisya ang nangyari kay Ray. Hindi si