Sweet Nightmare

Sweet Nightmare

last updateHuling Na-update : 2020-10-22
By:  maereyes1339Ongoing
Language: English_tagalog
goodnovel18goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
2Mga Kabanata
17views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Synopsis

A child who had an Innocent look and appearance pero hindi lahat ay tunay, dahil sa kanyang hitsura marami na ang nabiktima. A child never lies, but behind to his identity full of pain and missery. You just need to know behind an innocent face. Never look back, don't talk to him, he maybe a child with an innocent look but don't be foolish because he might be your sweetest nightmare. If you want to know behind this innocent look add this to your library and let us see who can stay reading this.

view more

Kabanata 1

Prolouge

Nakatali ang isang lalaki sa harapan ng isang batang may mahabang buhok na may maliit na katawan at braso, sa likod ng kanyang hitsurs hindi mo mapapansin ang tunay nitong katauhan. Sila ay nasa loob ng lumang bodega na tinitirhan ng bata.

Batang may maliit na pangangatawan, at batang nakasuot lamang ng school uniform, pero kapag tumingin ka dito may napakagandang mukha na syang kaakit akit pagmasdan batang nagtatago sa loob ng katawan ng isang halimaw.

Nagwala ang lalaki upang matanggal ang mga tali sa kanyang dalawang kamay, at kanyang dalawang paa, ngunit dahil sa masyadong mahigpit ang pagkakatali ay hindi nito magawang makatakas.

Mula sa dilim ay lumapit ng bahagya ang bata na ngayon ay may nakakatakot na hitsura. Ang batang ito ay puno ng mga dugo sa katawan, sa kanyang damit, braso, binti at mukha. 

Ngumiti ang bata sa naturang biktima at pagkatapos ay kumuha ito ng karayom. At saka nito itinusok sa lalaki na ngayon ay humihiyaw sa sakit. Itinusok ng bata ang karayom sa mga daliri sa kamay ng lalaki at saka nito isinunod ang daliri sa paa. Labis ang sakit na nadarama ng lalaki sa ginawa ng bata.

Muling nagpumilit na makawala ang lalaki, saka ito nagsumigaw hindi natuwa ang bata sa ginagawa nito kaya naman ay tinakpan ng bata ang bibig ng lalaki gamit ang duct tape, sinuguro ng bata na hindi makakasigaw muli ang lalaki. Hindi dahil sa ayaw nito, kundi dahil sa pagkairita dahil sa pagiging maingay ng lalaki. 

Hindi lingid sa kaalaman nito ay may nagmamasid na pala sa kanila, isang binata na nasa edad na 15 dahil sa nagaalala ito noong una sa bata dahil sumama ito sa isang lalaking kahina-hinala ang hitsura. Pero ngayon ay hindi ito makapaniwala sa natuklasan ng lalaki. Dahil ang inakala nitong nasa panganib na bata ay sya pala itong delikado. Dahil sa karumal dumal na ginagawa ng bata na halos hindi mo na makita kung ito paba ang lalaking inakala nitong masama.

Pinagpatuloy ng binata na panoodin ang ginagawa ng bata, hanggang sa natapos nito ang pagpapahirap sa lalaki na ngayon ay hindi na makilala dahil sa mga natamo nitong sugat na gawa ng isa lamang bata.

Ang lalaki ay nagtamo ng pagkaubos ng dugo, nagkaroon din ito ng physical damage, bali din ang mga braso at binti nito. Ang mukha ay punong puno ng mga sugat na galing naman sa matigas na bakal na inihampas dito. Kung iyong pagmamasdan ay halos karumal dumal na krimen ang ginawa ng bata. Pero tulad ng sa batas, ang bata ay hindi maaaring ikulong subalit pwede itong mapunta sa mga DSWD Center para mas maalagaan ng husto. 

Pero hindi lingid sa kaalaman ng karamihan ay may nakaraan ang bata at sa pagiging mahilig nito sa mga bagay tulad ng mga delikadong kagamitan. Madalas ang hawak ng bata ay kutsilyo, gunting, karayom,at iba pang mapanakit na kagamitan. Ang batang ito ay mahilig manghuli ng iba't ibang uri ng mga insekto at saka nya itong paglalaruan at page-experimentuhan. 

Noong natapos ng bata ang pagpapahirap sa lalaki ay sinunog nito ang katawan ng lalaki saka nito pinapanood kung paanong maagnas ang katawan ng kanyang biktima. Samantalang ang binata ay hindi na nito maatim na mapanood ang nangyayari sa lalaki, kaya nagdesisyon itong umalis pero dahil sa hindi sinasadyang pagkakataon ay may natabig itong basurahan dahilan upang makalikha ng ingat at para mapansin ng bata. Dahil sa pagkabigla at pagkataranta nito ay kumaripas ito ng takbo paalis sa naturang lugar.

Ang hindi alam ng binata sa likod ng kanyang panonood ay may cctv ang buong bodega na pinaghihinalayan ng bata. Kaya naman pinanood ng bata kung ano at sino ang nanonood sa kanyang ginawa, muling ngumiti ang bata dahil sa pagkakataong iyon alam na nito na may isusunod na syang biktima.

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata
Walang Komento
2 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status