Share

Chapter 7

Author: Ayesha_Sky
last update publish date: 2020-09-29 20:04:57

A novel written by Ayesha Sky

Malapit nang mag-uwian at hindi na ako mapakali pa habang nakaupo dito sa classroom at nakikinig sa discussion ng aming teacher, hindi ko alam kung paano ko ie-explain ang nararamdaman ko ngayon pero alam kong baka hindi maging maganda ang magiging kalalabasan ng pag-sabay ni harrison sa amin mamaya sa pag-kain ng fishball.

Ngayong araw ay wala akong practise kaya hindi kami matagal na nag-kakausap ni harrison, kanina lang talaga kami nakapag-usap noong umakyat siya dito sa corridor namin upang tanungin kung bakit ako sasama kay clayton.

Ayokong maging feelingera pero pakiramdam ko ay nag seselos si harrison dahil sa nangyari kanina o baka may galit talaga siya kay clayton dati pa lang pero dahil sadyang kung ano-ano ang iniisip ko ay baka nga isa lang talaga akong certified feelingera.

Nasa isip ko rin na baka nga may galit siya kay clayton dahil hindi tulad ko ay dati nang nag-aaral dito si harrison elementary pa lang kaya baka kakilala niya si clayton dati at naging mag-kaaway lang sila.

Ewan ko ba kung bakit ganun ang nasa isip ko, kanina kasi ay parang nagagalit na hindi kumportable ang reaksyon na ipinakikita ni harrison saakin noong sinasabi at itinanong niya kung bakit ako kinakausap kanina ni clayton at nang sinabi ko naman ang dahilan ay nakakapag-takang gusto niya na ring kumain ng fishball.

Pero saakin ay ayos lang naman na sumama siya pero paano kung isipin ni clayton na porket libre ay mag-sasama na ako ng mga tao, sumama na nga sila loryanne at pumayag na ako kahit nakakahiya tapos sasama pa siya at baka mailibre din ni clayton ay isang nakakahiyang bagay.

"Hoy babae, ano bang bumabagabag sayo at pawis na pawis

ka diyan?" Inabutan ako ng tubig at pamunas ni loryanne dahil hindi ko na namalayang sa sobrang pag-iisip ko ay basang-basa na ako ng pawis at parang mamamatay na anytime.

"Eh kasi nag-aalala

ako para mamaya, baka kasi sabihin ni clayton

sinasagad

ko

yung

kabaitan niya porket

libre." Pag papaliwanag ko sakanya dahil talagang nasa isip ko na baka hindi maganda ang kalabasan ng kabaliwang ginagawa ko ngayong araw.

"Ano ka

ba? Pumayag naman si clayton kanina diba? At tsaka

yayamanin yang si

harrison, never mag-papalibre

yan lalo na't si

clayton pa ang manlilibre." Sinabi naman niya at napa-isip naman ako, tama siya. Mayaman naman si harrison at halatang may kayang bilhin para sa sarili niya kaya medyo naipasok sa utak ko na baka tama nga siya at hindi na mangyari ang iniisip ko

"Sabagay, pero nag-aalala

lang talaga ako." Sinabi ko muli dahil kahit anong paliwanag niya ay hindinoa rin ako mapakali at hindi ko mai-focus ang mabagal kong utak sa dami kong iniisip.

"Wag kang mag-alala baliw, ayos lang

yan kahit sumama si

harrison as long na walang away na mangyayari

ay safe ang pilipinas." Sinabi niya at tumawa ng mahina dahil alan niyang may nagdi-discuss sa harapan niya.

"Baliw

ka talaga, makinig

ka na nga dun." Pinaharap ko na siya muli upang makinig sa nag tuturo sa harapan at ako naman ay paulit-ulit na sinasabi sa sarili na magiging maayos lang ang lahat at walang mangyayaring masama.

Maya-maya ay natapos na ang mahaba-habang discussions ng aming A.P teacher, tapos na rin ang mahaba-habang pag-ooverthink at nag handa na kami sa uwian dahil A.P ang huling subject namin at after nun ay uwian na.

Kaya naman inilagay ko na ang mga notebook ko na nasa upuan sa bag, at tinulungan na ring mag-ayos nang classroon ang cleaners for today. Hindi naman masyadong magulo ang classroom pwera lang naman sa pwesto kung saan laging nag-titipon ang mga kampon ng kadiliman, in-short kampon ni kallea.

Madaming tissue at mga papel sa pinag-upuan nila kallea, kasama na ang mga nag-kalat na pulang crepe paper na ginagawa nilang pang-liptint at pang-papula ng pisnge. Grupo din ni kallea ang madalas na nag-iiwan ng mga gamit nila sa loob ng classroom, mga notebooks, books, ballpens, at bag pa mismo minsan na dagdag lang sa basura ng room.

Kaya minsan ay itinitapon na ng adviser namin ang mga gamit na ikinakalat nila dahil alam namin na hindi naman nila muli itong hahanapin at kukuhanin pa, bagkus ay muli silang mag-kakalat na parang walang nangyari.

"Elizabella." Narinig kong pag-tawag ng dalawang tao saakin at alam ko na kung sino ang dalawang iyon, nang lumingon ako ay nakita ko sila harrison at clayton na sabay ang pag-pasok sa loob ng classroom namin habang dala-dala nila ang kani-kanilang gamit.

"Okay ka na ba diyan? Tara kain na tayo." Biglang sambit ni harrison habang tinulungan akong pulutin ang kalat na papel sa lapag.

"Kakain din kayo?" Tanong naman ni clayton na halatang gulat na gulat pa ngunit hindi na ako nakasingit sa usapan dahil silang dalawa na ang nag-salita.

"Actually sabay-sabay tayo." Biglang singit naman ni loryanne kaya medyo gumaan ang nag-aalala kong puso, nawala ang masamang pag-kakatingin ni clayton kay harrison at nag simula na ring tumulong sa pag-aayos.

"Okay na tapos na, tara na?" sinabi ko sakanila dahil alam kong naiinip na rin sila sa pag-hihintay saamin dahil nga sobrang hirap linisin ng pwesto nila kallea.

"Tara na." kinuha ni harrison ang nakasukbit na bag sa likod ko at si clayton naman ay ang kumuha sa nag na nag lalaman nang mabibigat na libro.

"Ako na, kaya ko na yan." pilit kong kinuha sa dalawa ang kinuha nilang bag mula saakin pero ayaw nila itong ibigay.

"Masyadong mabigat." sinabi ni harrison kaya kahit anong gawin kong agaw sa bag ay ayaw pa rin nila itong ibigay.

"Chill ka nalang diyan." sabay-sabay na kaming bumaba mula sa classroom namin at halatang kinikilig ang mga nasa likod ko na sila nicolei sa nangyayari.

"Oo nga pala Clayton, bakit nga ba gusto mong hayain si Elizabella mag-fishball?" biglang tanong ni loryanne, Oo nga naman sa lahat ng isasama at aalukin niya ay ako pa ang napili niya. Samantalang marami naman ang magagandang babae dito sa school na mas need ng fishball HHAHAHAHA!

"Narinig ko kasi na hindi naman mahilig kumain sa restaurant si Elizabella kaya naka-isip ako ng easiest way to ask her out in a friendly date." sinabi niya ulit kaya napalingon kaming lahat sa kanya na parang nag tataka, friendly date? So it means date nga 'to pero friendly.

"Ay wow sanaol friendly date." naiingit na tono pa ni loryanne habang binubunggo-bunggo pa niya ako.

Maya-maya ay nakalabas na kami kung saan naroroon ang bilihan nang fishball kaya kanya-kanya ang pag-tusok nila ng makakain, at dahil nga libre ay sige ang saksak ni loryanne sa pagkain na nasa gilid ng kawali ng nagtitinda.

Sila Erica at marysam naman ay may sariling mundo dahil nag-uusap sila at sabay din sa pag-subo ng kinakain, habang si nicolei ang isang tusok isang subo.

Habang ako ay pinagigitnaan nila Clayton at ni harrison habang sabay sila ng pag-lalagay ng pagkain sa cup na lalagyan ko, kaya ngayon ay hindi ko alam kung anong una kong kakainin dahil sa dami ng nilalagay nilang dalawa.

Pagka-tapos ay inumin naman ang binili nila kaya katulad kanina ay may binili nanamang tig-isang inumin sila harrison at clayton kaya halos pumutok na ang tiyan ko sa sobrang busog sa kinain pati na rin sa mga naiinom.

Maya-maya ay natapos na ang lahat sa pag-kain kaya nag-paalam na kami sa isa't isa hanggang sa umalis na rin sila isa-isa at kami nila loryanne pati na rin si harrison at clayton ang natira.

"Elizabella aalis na ako dahil may mga kailangan pa akong gawin sa bahay, bukas ulit kung may time ka. Bye!" nag-paalam na si clayton habang kumakaway pa palayo, habang kami-kami na lamang ang natira kaya nag-simula na kami sa pag lalakad.

"Sige bye."

"Nabusog ka ba?" tanong saakin ni harrison habang sabay kaming nag-lalakad.

"Oo naman, pinag-tulungan niyo ako ni clayton eh." Sinabi ko pa ang kay lakas ng tawa ni loryanne ang maririnig mula sa likod namin.

"Sige, ingat sa pag-uwi." nag-paalam na rin siya, dahil malapit lang ang bahay niya kung saan kami kumain ng fishball at kung saan din malapit ang school. Kaya kahit ilang oras kang mag-puyat sa gabi ay hinding-hindi ka malelate dahil isang apak niya lang ay nasa school na siya.

Umalis na kami ni loryanne habang ako ay humiwalay sa kaliwang direksyon at siya naman ay sa kanan hanggang sa parehas na kaming nakauwi.

~

Follow me on my Social Media Accounts!

Facebook: Ayesha Lofranco Ramos

Wattpad: Ayesha_ Sky

Instagram: Ayesha_Eternity

Twitter: MissAyesha_Sky

Tumblr: Ayesha sky

Thank you for reading! I love you!♡


Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Night we fell In love   Chapter 16

    A story written by Ayesha Sky"Ano Elizabella? Ready ka na ba? Nandito na tayo." maaga akong pumasok dahil ngayon ay lunes na at ngayon ang performance ko para sa 1st week ng mga students sa school.Nakasalubong ko si loryanne, Erica, marysam at Nicolei na nag-lalakad sa kanto na papasok sa school kaya hinintay na nila ako at sabay-sabay na kaming pumasok sa loob ng school. Naka-make up pa ako na hindi ko pang-karaniwang ginagawa sa sarili ko, kasama ang asul na dress at pink na sandals.Hindi ako marunong pumorma kaya naman kinuha ko nalang sa aparador ko ang kung anong maganda ang pwede kong magamit, hindi rin ako masyadong bumibili ng damit dahil hindi naman ako gumagala at puro school uniform lang ang suot dahil after school ay bahay agad ako, kaya ang asul na dress na lamang ang sinuot ko.Si nanay naman ay pina-ayusan ako sa malapit niyang kaibigan na si nilo dahil nais ni

  • The Night we fell In love   Chapter 15

    A story written by Ayesha SkyAuthor's note!Pasensiya na at puro flashback! Balik normal tayo!~ELIZABELLA'S POV"Elizabella apo, gumising ka na mag a-alas siete na. Nandito na ang iyong kaibigan na clynton ang pangalan." Nagising ako sa malakas na pag-ugoy sa akin ni lola habang masarap ang tulog ko, at hindi ko namalayang malapit na nga talagang mag alas siete."H-ha? Teka lola!"

  • The Night we fell In love   Chapter 14

    A story written by Ayesha SkyKatulad ng ginagawa ko tuwing umaga ay bumangon na ako mula sa pag-kakahiga at tsaka ako naligo hindi ako makapag-hintay na sabihin kay Clayton na kakilala ko pala siya at matagal ko na siyang nakilala noong grade 8 pa lang ako.Nagkakilala kami sa library at simula nun ay siya na ang pinaka magulong tao na nakilala ko sa buong buhay ko.Kilala rin pala siya ni loryanne pero hindi lang talaga namin natandaaan. Nagkakilala kami noong grade 8 ako noong bagong lipat pa lamang ako.FLASHBACKBuong araw ko ang nasira nang makasama ko kanina ang lalaking yun, sobrang harot at kulit niya. Sunod siya nang sunod saakin kahit hindi pa kami masyadong close sa isa't isa.Bagong lipat kasi ako dito sa school, isa akong grade 8 student habang siya naman ay siguro grade 12. Pinalipat ako nang lola ko sa ibang school dahil lumipat kami nan

  • The Night we fell In love   Chapter 13

    A story written by Ayesha SkyCLYNTON CALIX'S POVFLASHBACKNagulat ako dahil sobrang aga dumating ni mommy, madalas kasi ay madaling araw na siyang nakakauwi siya kasi ang secretary sa company kaya minsan ay bagsak sakanya ang gawain sa opisina.Binigyan niya ang nang matamis na halik sa noo at tsaka inilagay ang kanyang bag sa mesa, may uwi siyang pagkain at sa tingin ko ay yun ang kakainin namin ngayong araw. Hindi na rin kasi siya nakakapag luto araw-araw dahil nga busy siya sa work at wala na ngang time mag luto, kaya laging pera ang baon ko para sa school. kung makakapag luto man siya ay ibig sabihin may importanteng araw like birthdays, new year or Christmas.

  • The Night we fell In love   Chapter 12

    A story written by Ayesha SkyCLAYTON CALIX'S POVFLASHBACKNakauwi na ako sa bahay at para bang sobrang tahimik nakakalungkot tuloy sa loob lalo na't mag-isa lang ako sa bahay, araw-araw kasi ay nasa trabaho sina mommy at daddy kaya naman araw-araw din akong malaya mula sa mga paulit-ulit na sermon.Wala ring maingay na nag bubunganga tuwing sisikat ang araw, makakaalis at makakagala ako nang walang umaabala saakin. Pero iba pa rin pala ang may kasamang magulang o hindi kaya kapatid no? Masaya at kumpleto ang araw ko kapag kasama ko sila mommy at daddy, kahit saglit na bonding lang ay nakakaluwag na nang loob.Minsan kasi ay wala na silang time makauwi or hindi kaya ay makipag bonding saakin, busy sila sa work as in busy. Kaya naman nang makilala ko si ka pedring ay may lagi na akong nakakausap kahit uwian lang

  • The Night we fell In love   Chapter 11

    A story written by Ayesha SkyPAALALA! ANG MGA MANGYAYARING FLASHBACKS SA POV NI CLAYTON AY ANG UNANG PAG-KIKITA NILA NI ELIZABELLA NOONG GRADE 8 PA LAMANG SIYA!CLAYTON CALIX POVFLASHBACKMedyo ma-araw sa labas kaya naman wala masyadong tao, kahit ang mga dating tumatambay na students dito ay wala rin. Ang lahat ay naka payong at bibihira ang nag lalakad sa labas dahil kung lalabas ka ay baka maging pritong manok ka.Kahit ang mga students na dapat ay uuwi na ay hindi makauwi dahil sa mainit na tirik nang araw, kapansin-pansin naman na may mga babaeng nag aabang nang kanilang mga nobyo sa harap nang school kung saan may malaking puno na pwede mong silungan.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status