"Vale! Dito!" rinig kong pagtawag sa pangalan ko at tumingin sa direksyon kung saan ko ito narinig.Nakita ko ito sa 'di kalayuan na nakatayo at kumakaway sa kinaroroonan ko na may mga masayang ngiti sa kanyang mga labi. Nauna siyang pumuntang gymnasium para makahanap daw ng magandang puwesto para manood ng game between our school and our number one rival school in basketball.Nakangiti akong lumakad papalapit sa kaniya. She is sitting in a bench facing the players bench. At maganda ang puwestong napili niya para manood. Nang makarating ay agad akong umupo sa tabi niya at nagpalinga-linga at nakitang malapit ng mapuno ang gym. Ganito naman talaga ang nangyayare kapag ang school na namin ang maglalaro kalaban ang Santa Clarita Academy.
Last Updated : 2020-07-29 Read more