One"Eto po," abot ko sa mug kay Manang Lucia.Ngumiti siya at inamoy niya ang kapeng ginawa ko. "Ang bango. Paniguradong masarap din ito," puri n'ya sakin.Tumawa ako. "Manang, napakabolera mo," iling iling ko.Umiling din sya. "Totoo! O s'ya, dadalhin ko na ito sa opisina ni Sir Tenor."Tumango ako at tipid na ngumiti kay Manang ngunit kumunot ang noo nito at hindi gumalaw. Parang may iniisip."Gusto mo bang ikaw na lang ang magbigay nito sa kanya? Tutal ay ikaw naman ang gumawa ng kape." suwestiyon ng ginang. Bahagya pa itong nag-aalinlangan.Umiling na ako agad. Gusto ko pero alam kong hindi pwede. "Hindi na, Manang. Aalis na din kasi ako e." palusot ko at totohanin ko na lang.Aalis na lang din ako. Tutal tapos naman na ako sa pagtulong sa gawaing bahay rito.
Last Updated : 2020-07-29 Read more