Chereluna's Point of View "Magandang araw, Chereluna at Keiris!" Napalingon ako sa aking likod at nakita si Mirhea na tumatakbo patungo sa amin ni Keiris habang kami'y naglalakad sa gitna ng mabuhangin na paligid pabalik sa aming mga kabahayan. May bitbit na basket itong si Mirhea habang tumatakbo patungo sa'min. Mirhea is also a Canastelean at bagaman pareho kami ng edad na 355 na taon nang nasa underworld, nagawa na niyang makontrol ang kanyang kapangyarihan. 'Yun nga lang, hindi ko gusto ang kanyang abilidad na nagpapabo lamang ng temperatura ng isang bagay. Napatingin naman ako kay Keiris na nakangiti lamang nang walang dahilan. Kahit na mukhang ka-edad namin itong si Keiris, hindi maipagkakaila na nasa 700 taong gulang na siya. "
Last Updated : 2020-07-31 Read more