KABANATA 1 Kapag nag mahal ka hindi puwedeng puro saya lang. Hindi puwedeng madali lang ang lahat. Dahil ang reyalidad ay malayong malayo sa pagiging laging masaya at madali. Napupuno ito nang pinaghalong saya,dali,lungkot,hirap at sakit. Kapag nag mahal ka hindi ka laging buo lang dahil magkakaroon ng pagkakataon na madudurog ka at bawat pagkakataong iyon ay mahirap pero ayos lang dahil iyon ng tunay na pagmamahal. Iyong may kasamang kirot tuwing may di pagkakaunawaan. Iyong may kasamang lungkot tuwing hindi nagkakasundo. Iyong may kasamang sakit kasi nasasaktan. Ganoon naman ang tunay na pagmamahal sa reyalidad, may pait. "Roe kung di mo kayang iwan, bakit mo pa gagawin?" "Kasi kailangan," nakatulala pa din ako ng sagutin ko ang tanong nya.
Last Updated : 2020-08-02 Read more