"Nakakainis talaga! Hindi ko matanggap na mas magaling si Erika kaysa sa'kin! We all knew naman na mas magaling ako sa kanya," panghihimutok ni Maybelle kasama ang kanyang tatlong kaibigan na sina Bea, Jielvi at Jane. Nakatambay sila sa rooftop kung saan madalas lang ang estudyanteng nakatambay sa nasabing lugar. May kumakalat na isyu kasi na may namatay raw sa lugar na ito sa nakalipas na taon kaya wala masyadong gustong tumambay. Pero para kay Maybelle at nang kanyang mga kaibigan, imbento at gawa-gawa lang ang usapin na iyon. Ito ang tambayan nila at sinasabing 'perfect place' para mag-chill. "You know naman Belle 'di ba? Hindi ka kasi nagkaroon ng maayos na study last week because of James," mataray na saad ni Bea matapos maglabas ng inis ang kaibigang si Maybelle. Awtomatikong tumaas ang kilay ni Maybelle sa sinabing iyon ni Bea.
Last Updated : 2020-08-04 Read more