HALOS paliparin na ni Brian ang kotseng kanyang nirentahan habang nandito siya sa Davao dahil kinakailangan niyang makarating sa simbahan kung saan ikakasal ang anak ng kanyang business parter na isa sa kanyang mga tauhan sa kanyang kompanya. Wala sana siyang balak na dumalo subalit nakikiusap naman ang kanyang kaibigan kaya pinagbigyan na niya ito. Nang makarating sa simbahan ay diretso siyang umupo sa pinakahuling upuan dahil nagsisimula na ang seremonya. Napansin ni Brian na hindi siya nag-iisa sa upuan at sa kabilang dulo nito ay mayroong nakaupong babae na umiiyak habang nakayuko. Napapailing na lang c Brian at itinuon ang pansin sa altar. Samantalang si Aira naman kahit nasasaktan siya sa nangyari ay pinilit parin niya magpunta sa simbahan
Last Updated : 2020-08-04 Read more