"Silang, what's this? What kind of work is this?" pasigaw na tanong sa'kin ng napakabait kong Boss. Ako na naman ang nakita niya. Sarap niyang sagutin ng 'Sir, bulag ka ba? 'Di mo nakikita? Papel! Sangkatutak na papel yan!' Pero as if namang masabi ko 'yun sa kanya. Nakakainis siya.Wala na 'kong ibang nagawa kundi ang yumuko na lang sa harap niya. Ganito talaga siya sa akin. Konting kibot lang, sinisigawan na ako. Sarap maging mangkukulam nang dahil sa kanya.Ang pinaka-kinaiinisan ko sa lahat ng ginawa niya ay ang palayaw na binigay niya sa akin, Silang. Gosh! Ginawa pa akong katipunera nito, di niya pa binuo na Gabriela Silang. Oo, Gabriela ang pangalan ko. Gabriela De Guzman kasing luma ng pangalan ko ang sense of fashion ko. Kasing common ng apelyido ko ang mukha ko, walang kadating-dating."What? You're n
Last Updated : 2020-08-07 Read more