Nagtungo siya sa bayan ng Joseon kung saan marami siyang mga babaeng pinagsasabay sabay. Para saan pa't napaka gwapo ng mukha niya kung hindi niya pakikinabangan, hindi alam ng mga mamamayan ng Hanyang kung sino ang susunod na hari, walang nakaka alam ng kanyang itsura at pangalan. Sa oras na malaman ng kahit sino kung sino at ano siya, o ano ang pangalan niya, kamatayan ang parusa. Siya ang susunod na hari, at walang nakaka alam non tanging ang hari, si Jun, ang mahal na inang reyna, at si Ministro Jang pati narin ang mga tauhan sa palasyo lamang ang nakaka alam. Nang nasa bayan na siya ng Joseon ay nagtungo siya sa isang espasyo kung saan nagaganap ang kasiyahan tuwing biyernes at tama nga siya, nagkakasiyahan na ang lahat ng mga taong naroon. Nagtaka siya ng magtinginan ang lahat sa kanya at magbulong bulungan. Napataas ang isa niyang kilay at napabuntong hininga.
Last Updated : 2020-08-09 Read more