Helena's Point of ViewNang kumulo ang mantika, inilagay ko ang piraso ng manok na lulutuin ko. Pumilantik ito ngunit naharangan ko naman ang sarili ko gamit ang takip ng kaldero. Nilapitan ko rin ang mabangong amoy ng kape na nakapatong sa lamesa at ang pumupungay-pungay na mukha ni Selena, ang nakababata kong kapatid.Junior highschool ang kapatid ko at maaga ang pasok niya ngayon kaya maaga rin akong gumising. Nagkataon na hindi ako nagising sa alarm kaya sabay kaming nagising ng kapatid ko."Ate, wala ka bang pasok ngayon?" Napatingin ako sa kapatid kong nakaabang pa rin sa niluluto ko. I shrug my shoulders before sitting beside her. Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang kamay ko."Wala, eh. May event ang school o meeting ata 'yon gawa ng papalapit na graduation ng mga seniors namin." Sumimangot ang kan'yang mukha. "Sana all, Ate. Sana all talaga."
Last Updated : 2020-08-11 Read more