UtosWala akong ibang ginawa kundi magbasa ng libro buong maghapon. Ang librong ibinigay sa akin ni Haring Rhiel ay talagang nakatulong sa akin upang mas lumawak ang aking kaalaman, hindi lamang tungkol sa Dinlas kundi pati na rin sa ibang reyalmo at emperyo.Ang Gallia Liris ay tahanan ng mga nilalang na mayroong mga abilidad na higit pa sa normal na tao: ang pakikipag-usap gamit ang sariling utak.Binubuo ito ng limang naglalakihang emperyo: ang Liris Sonali, Liris Caliban, Liris Acanon, Liris Elysia at Liris Acheron.Bawat emperyo ay binubuo ng tatlo o higit pang bilang na mga reyalmo. Ang Liris Sonali ay binubuo ng Saban, Apinone, Phalmine at Dinlas. Ang emperyong aking kinalakihan ay ang may pinakamalawak na sakop ng teritoryo. Pangalawa ang Apinone, na siyang sinundan naman ng Phalmine at pang huli ang Dinlas.Karamihan rin sa mga nakatala sa librong ito ay mga
Last Updated : 2020-08-30 Read more