“Hindi ka pa rin ba naniniwala sa mga sinasabi ko, Archie? Isa siyang pokpok na lalaki. Kung sinu-sino na ang mga lalaking gumalaw sa kaniya. And, I’m sure, bukod sa trabaho n’ya ‘yan, nasasarapan rin siya.” Sa mga sinabing iyon sa akin ni Tyra, halos wala na akong mukhang maiharap sa mga estudyanteng nakapalibot sa amin. Tanging pagyuko na lamang ng aking ulo ang siyang nagawa ko. Hinayaan ko na lamang rin na tumulo ang aking luha, dahil wala naman akong magawa upang ipagtanggol ko ang aking sarili mula sa mga akusasyong ni Tyra na totoo naman. Dahil sa ginawang pagsigaw ni Tyra at sa pagsiwalat n’ya sa trabaho na mayroon ako, mas lalong tumindi ang mga kumpulan ng mga estudyanteng nakapalibot sa amin. Samu’t saring panghuhusga ang aking naririnig mula sa kanila. Agad kong naramdaman ang paghawak sa aking braso nina Lewis at Melody. Napatingin ako sa kanilang dalawa. Mababakas roon ang matinding kalung
Última atualização : 2020-08-31 Ler mais