The beginning "Baby bangon na diyan, lunes na ngayon." Nagising ako sa pagkatok at pagtawag ni mama sa labas ng kwarto ko. Pupungas pungas akong umupo sa kama at saka nag unat. "Akila Cayne!" Napatalon pa ako sa gulat dahil sa pagsigaw nito. "Ma, gising na 'ko!" sigaw ko pabalik "Maghanda kana, hindi pwedeng ma-late ka sa unang araw ng klase." sabi pa nito. Hindi na ako sumagot, dahil mas abala ako sa paghikab. Tumayo na ako at tamad na pumunta sa bathroom at sinimulan ang pagligo. Pagkatapos ay nagsuot na ako ng uniporme, kulay puting long sleeve at blazer ang pang taas na tinernohan ng chickard red na mini skirt. At syempre, ang necktie na kakulay din ng skirt. "Good morning ma,good morning pa." bati ko sabay halik sa kanilang pisngi. "Good morning baby." nakangiting sagot sakin ni mama. "O siya kumain kana at baka malate ka
Last Updated : 2020-09-02 Read more