"Naiintindihan niyo ba? Sinong may mga tanong pa? Itaas lang ang kamay."Nilingon ko naman ang buong klase. Mabuti naman at wala nang nagtaas ng kamay. Nag-overtime na kasi itong teacher namin at gutom na gutom na ako dahil sa dalawang sunod na topic na itinuro niya."Okay, sige. Bukas na natin ituloy. Goodbye, class.""Goodbye, Miss Castro," sabay-sabay na tugon namin.Hindi na ako nag-atubili at agad ko nang nilagay sa bag ang mga gamit ko. Nagugutom na talaga ako."Tara na, Elsie! Gutom na gutom na ako," sambit ng kaibigan kong si Gina habang umaarte pang sumasakit ang kanyang tiyan."Nako, girl. Hindi ka nag-iisa!"Matapos kong magligpit ng mga gamit ay lumabas na kami ng classroom at dumiretso papuntang canteen. Agad kaming naghanap ng mau-upuan. Hindi naman kami nahirapan dahil hindi na rin naman gaanong matao ang cant
Last Updated : 2020-09-06 Read more