ANG UNANG KASO"Saan mo na naman balak na pumunta Zenaida?" Napahinto ako sa gulat dahil sa lakas ng boses ni Papa. Nakakatakot siya at daig pa niya si Poseidon kung sumigaw. Ngumiwi ako sa naisip bago ko siya nilingon ng dahan-dahan."P-Pa gising pa pala kayo." Nginitian ko siya ng matamis pa sa ubas. Umasim naman ang mukha ni Papa. Nakakainis at hindi umepekto ang pagpapa-cute ko sa kanya. Ano bang mali, cute naman ako hindi ba?"Bakit, mukha ba akong nakapikit? Mukha ba akong tulog?" Banat naman ng Papa kong pilosopo bago magtanong ulit nang, "saan ka pupunta?"Ngumiti ulit ako at mabilis pa sa kidlat na nag-isip ng palusot. "Bibili lang po sana ng kartolina at manila paper." Ano ba naman ito, alas dyes na alas dyes at naisipan pang bumili ng kartolina at manila paper. Ang olats naman ng palusot ko. Malamang lagot ako kay Papa dahil nakakunot ang noo niya."Huy, anong kartolina at manila paper ha?" Naku, la
Last Updated : 2020-09-06 Read more