"Mag-asawa ka na," kantyaw ni Danica. Pinaglaruan niya ang pobreng display sa dashboard ng kotse ng kaibigan. Bahagya pa siyang napangiti habang sinusundan ang taas-baba ng ulo ng aso kapag ginagalaw niya iyon."Mauna ka muna." Mahinang tumawa ang kaibigan niya. Nakatanaw ito sa labas at pinapanuod ang mga nagdaraang sasakyan.Nakaparada sila sa gilid ng kalsada, malapit sa gas station. Hindi niya mawari kung paanong doon sila napadpad. Gusto lang daw nitong makipagkita. Wala rin naman siyang ginagawa sa bahay kaya pumayag siya.
Huling Na-update : 2020-09-11 Magbasa pa