Byernes ngayon at wash day. P. E nila sana ngayon kaso hindi nanaman sila inatenan ng guro nila sa PE. Parang once a month lang nga eh. Tss. Nabalitaan rin nila na napa alis na daw yung si ateng tagabantay sa canteen. Iba talaga ang kamandag ni Miss! Hindi pinapansin ni Ken si Ciara ngayon dahil sa nangyari kahapon."Ah.. Ah so-sorry."mabilis na kumalas sa pagkayakap si Ciara dun sa lalaki na kausap ni Miss kanina. Naka poker face lang ito. "Anong ginagawa mo sa room ng Cadmus?"tanong nito. "Ah... May tinanong lang, ikaw bat ka narito?"ngumisi yung lalaki kaya napatitig si Ciara. "I was checking Miss Audacity pero parang wala naman."parang matutunaw si Ciara sa himig ng boses niya parang hinihele siya, boses babae kasi yung boses nito, di kaya bakla siya?
Last Updated : 2020-09-18 Read more