Nagising si Katrina dahil sa sinag ng liwanag mula sa labas ang tumama sa mukha niya.Inilibot niya ang kaniyang paningin sa buong silid. Mukang inilipat siya ni Waze kaninang madaling araw dito sa silid mula sa dalampasigan.Dahan-dahan siyang gumapang pababa upang maka-upo sa wheelchair niya ng biglang bumukas ang pinto at nakita niya si Waze na nakasuot ng kulay pink na apron.Lumapit kaagad si Waze sa kaniya at inalalayan siyang maka-upo sa wheelchair niya."Salamat" Ani Katrina ng maka-upo na sa wheelchair.Itinulak ni Waze ang wheelchair palabas ng silid at itinungo sa likod ng bahay kung saan naroon ang balkonahe.Nakahanda na lahat ng pagkain nila sa lamesa. Naroon ang loaf bread, sausage, sunny side-up na itlog, bacon at garlic fried rice, kape at juice. Lahat ng iyon ay ihinanda ni Waze."Ang sarap naman gumising sa umaga kapag ganito ang bubu
Huling Na-update : 2020-10-13 Magbasa pa