AKO'Y walang magawa sa tuwing nalulungkot kundi ang kumanta na lamang sa ilalim ng isang punong kahoy na malapit sa aming simpleng bahay, habang hawak ang aking mumurahing gitara na pamana pa sa akin ni ina. Payak ang aming pamumuhay, walang marangyang damit, masasarap na pagkain o kaya'y makapunta man lamang sa mga magagandang lugar wala kasi kaming pera. Pero Kahit na ganoon ay maroon akong mataas na pangarap, gusto kong makilala bilang isang mang-aawit ngunit wala namang tiwala ang pamilya ko sakin lagi nilang sinasabi na itigil ko na daw ang pangangarap ng gising."Clarkkkkkk!" sigaw ng tita Antonya ko. Kaya naman ay kumaripas na ako ng takbo pabalik sa bahay dahil baka isang araw na naman siyang pumutak ng pumutak dahil sa galit.Isinandal ko ng maayos ang aking gitara sa likod ng pinto."Ano po 'yon tita?" sabi ko habang hinihingal pa sa pagtakbo. Siya'y nakasuot ng luma at paborito niya
Huling Na-update : 2020-09-29 Magbasa pa