Braille paper, slate, stylus. Iyan ang mga kagamitan na ginagamit naming mga bulag kapag magsusulat kami. Mayroon ding tinatawag na brailler which is para siyang type writer pero braille paper nga lang ang ipapasok. Hindi kasi puwedeng basta papel lang dahil maaaring masira lang ito. Ang braille paper, mas matigas siya ng dalawang beses kaysa sa pangkaraniwang papel, kaya hindi masisira.Siyam lang ang magkakatabing pindutan ng brailler. Ang dots 1, 2, 3, 4, 5, at 6 na siyang nagiging gabay sa pagsulat ng braille, backspace, at new line. Iyan ang magkakatabing pindutan tapos may parang slider siya sa may bandang itaas na ginagamit para maibalik mo sa pinakagilid ng linya ang pantuldok noon para makasulat ka na ulit.Iyan lang naman ang mga nasa lamesa ko ngayon. Kasalukuyan akong gumagawa ng mga takdang aralin sa aking kuwarto at aaminin kong napakarami nito para sa isang grade 7. Sabi naman ng teacher namin, training daw ito para pagdatin
Huling Na-update : 2020-10-03 Magbasa pa