“ Bes, sure kana ba talaga sa itsura mo ha?” nakaka-lokang ngiti ng kaibigan ni Clara na si Shiela. “Baka naman matakot sila sayo,” dagdag pa nito at ngumisi ulit. “Sira ulo ka talaga, bes. Alam mo naman kung bakit ganito ang ginawa ko sa sarili ko eh,” baling niya din sa kaibigan at napa buntong hininga na lang siya. Sino ba naman kasi ang hindi matatako’t matatawa sa kanya? Ang dating magandang mukha na maliit, may matangos na ilong, maninipis at mapupulang labi, may magandang mata at kilay ay napalitan ng isang mukhang hindi mo gugustuhing makita. Nag lagay siya ng nunal sa pisngi, na pinintahan ng maputlang kulay ng lipstick ang mga labi, at nag-suot ng salamin na malaki sa mata, kinapalan ang kilay, at higit sa lahat ang maganda at mahaba niyang buhok ay ikinubli niya sa loob ng isang kulot na wig na hanggang balikat. Sinadya niya ang ganong bagay upang maitago ang tunay niyang ganda para makalayo sa mga la
Last Updated : 2020-10-10 Read more