"Kuya, para!.. " sigaw ni CM sa tsuper ng dyip. Napasigaw naman ako nang bigla nalang pumreno si kuya."Halika na, Ali! Baba na!" sigaw niya sakin nang hindi parin bumababa dahil hindi pa nakaka move on sa biglaang pagpreno ni kuya."Sandali naman! Bakit ba kasi ngayong araw mo pa naisipan akong isama na mag-commute. Pwede naman kasing mag taxi nalang. Dapat pala nag pahatid nalang ako sa driver namin. Magagalit neto sina mommy kapag nalaman nilang nag commute ako." litanya ko habang bumababa."Aba, e, malay ko ba na ngayon pala ang laro nina Kendrick. Hindi mo naman kasi ako sinabihan. Alam mo namang hindi ako updated sa mga ganyan" sagot naman niya saka muling pumara ng tricycle para maihatid na kami sa School.Sa biyahe papuntang School ay hindi ako mapakali. Eh pa'no naman kasi. Ang tigas tigas ng upuan. Tapos may mirror nga, basag naman. Nakakahilo tuloy. My god! Mommy will get mad kapag nalaman niyan
Last Updated : 2020-10-18 Read more