"Miss, kayo po ba ang fairy ng punong ito? Makulit po ba ako? Please, po huwag niyo akong parusahan!" pagkatapos ay lumuhod ako at ipinakita ko pa sa kanya na nagsisisi ako. Siyempre, during this time ay naalala ko ang kwento sa akin nina Lolo at Lola na ang mga kagubatan ay may mga tagapagbantay. At dapat hindi ko raw ginagalit ang mga diwata. Sana hindi naman major offense ang pag-iyak sa ilalim ng puno lalo't namatayan ako ng friends. "So, iniisip mo na isa akong fairy?" tanong ng napakagandang dalaga. Tumango-tango na lamang ako. Tumawa lang siya ng tumawa samantalang ako ay gulong-gulo. So, kung hindi pala siya fairy then anong klaseng nilalang siya? "Oh heto, kain ka muna. Pasensiya ka na, ito lang ang mabibigay ko"
Huling Na-update : 2020-11-14 Magbasa pa