Chapter Two: The Getting-to-Know Activity I. Alas dos y media na ng umaga—balot na balot na ng kadiliman ang buong kapaligiran. Ang nakakapagtataka't ang buwan ay sumisikat pa lamang sa Silangan. Kakaiba ang paghampas ng malamig na hangin ngayon, tinutusok nito ang aming mga kalamnan. Dahil marahil sa paninibago sa kapaligiran ay maraming scout pa ang gising pa kaya napagdesisyunan naming mga gising pa na magtipon-tipon sa isang bakanteng bahagi ng dalampasigan sa ilalim ng punong agoho. Pinalilibutan namin ang isang maliit na bonfire na ginawa ng aming mga kasamahang lalaki. "Iba ang pakiramdam ko sa hangin," ani ng isang lalaki na nakaupo sa aking harapan. Wala sa ayos ang kaniyang blonde na buhok ngunit hindi man lamang nito naaapektuhan ang angking kaguwapuhan niya. Si Friedrich, na ngayon ay nakatitig ang kulay asul na mga mata sa nagbabagang kahoy sa aming harapan. "Ang lamig! Sa pakiramdam ko'y nahahat
Last Updated : 2020-11-11 Read more