RAINEE"Fonterraaaa!" Napamulagat ako dahil sa nakakapantig boses galing sa labas. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa aking pagtulog. Minsan naiisip ko kung paano ko naging kaibigan ang baklang 'to. But I felt grateful when sh/he come to my chaotic life. "MGA KAPITBAHAY! MAY NAGLASLAS RITO! ANG DAMING DUGO AHHH!," Nawala ang antok na ko at dali-daling binuksan ang pinto. Tangina ka talagang bakla ka! Ang sarap mong ilibing! Asik ko sa aking isipan. Nagtataasang kilay at malawak na ngiti ang unang bumungad sa akin pagbukas ko ng pinto. Sinuklian ko ito ng matalim na tingin at irap. Tinignan ko ang mga kapitbahay na ngayon ay nagkukumpulan sa harap ng condo ko, at agad na binigyan ng nagbabantang tingin ang kaharap ko. "MGA NEIGHBOURS! WALA PALANG NAGLASLAS, HEHE. REGLA PALA ANG NAKITA KO," Nag-peace sign pa siya at patakbong pumasok sa loob. He just sit on my mini-sofa
Last Updated : 2020-11-12 Read more