Namilog ang kanilang mga mata at natulala ng ilang segundo bago siya natauhan at tumayo. Hindi na siya nakapagsalita sa kahihiyan. "Sorry po! Sorry po! " dinig niyang salita mula sa likod niya. Nilingon niya ito at nakita ang isang babae na panay ang hingi ng tawad. "Sorry po! Natalisod po kasi ako. Sorry po talaga! ""O-okay lang" ang tanging nasagot niya. Bumalik ang tingin niya kay Trover na ngayon ay patayo na. Napaiwas siya ng tingin dito. "S-sorry! H-hindi ko sinasadya." nauutal na hingi niya ng tawad habang nakayoko. Wala na ang first kiss niya. Nalulungkot man siya pero may parte sa kanya na natutuwa dahil kay Trover na gwapo at mabait ito napunta. Napakamot sa ulo na nahihiya ring nagsalita ito. "O-ok lang. Uh.. Tungkol pala sa pamasahi, binayaran ko na. Ang himbing kasi ng tulog mo kaya hindi na kita ginising." mas lalo pa siyang nahiya sa sinabi nito."Mga ining at toto, kailangan
Last Updated : 2020-11-14 Read more