Chapter: Kabanata 5Nanlalaki pa rin ang dalawang mata ko nang muli siyang bumaling sa 'kin. Napansin kong bago pa lang ang mga galos niya sa mukha. Dalawa lang 'yan, e. Nakipag-away o napa-away 'to!"Hala, ano'ng nangyari sa 'yo? Ba't may galos ka sa mukha?" bulalas ko. "Nakipag-away ka ba? Shannon naman! Alam ko na bully ka pero kailan ka pa naging bayolente?"Muli siyang nag-iwas ng tingin. "Wala lang 'to. Ayos lang ako.""Ano'ng ayos ka d'yan? Kita mo nga 'yang galos sa mukha mo! Muntik pang tamaan ang bibig mo," sambit ko sabay turo sa galos niya na malapit na sa bibig. "Tss. Wala 'yan. Hina nga sumuntok. Hindi man lang ako nasaktan.""Sino'ng sumuntok sa 'yo?" nanlalaki ang mata na tanong ko.Gumuhit ang ngisi sa labi niya. "Bakit susuntukin mo rin?"Sinamaan ko nga ng tingin. Nakuha pang magbiro! "Irereport ko sa Guidance Office."Bumalik sa pagiging seryoso ang mukha niya. "Huwag na.""Anong wag na? Kailangan nilang map
Last Updated: 2020-07-30
Chapter: Kabanata 4Iniligay ko sa aking bibig ang dulo ng straw ng Nutella Cheesecake Milktea na iniinom ko at sinisip ito. Halos katatapos lang namin mag-lunch ni Aivo, pero dahil noong nakaraang araw pa 'ko naglalaway sa Milktea kaya naman binilhan niya 'ko.Naramdaman ko ang pagbukas sara niya sa magkadaop naming mga palad. Kanina pa niya pinaglalaruan ang kamay ko habang hawak niya. Paminsan-minsan nga kinikiliti pa. Gan'yan ang madalas niyang ginagawa kapag hawak niya ang kamay ko. Madalas tuloy sinasaway ko siya dahil malakas ang kiliti ko sa palad, pero hindi pa rin tumitigil at natatawa pa.Natanaw ko na agad ang malaking gate ng aming school habang tahimik kaming naglalakad. Itinapat ko sa bibig niya ang straw ng Milktea ko at sumipsip lang siya nang kaunti. Hindi kasi siya mahilig sa matatamis na inumin. Palaging tubig lang ang iniinom niya. No'ng first monthsary nga namin binilhan ko siya ng stainless na tumbler dahil malakas talaga siyang uminom ng tubig. Palibhas
Last Updated: 2020-07-30
Chapter: Kabanata 3Tahimik ang buong room habang nagsasalita si Sir Castigador dahil iaanunsyo raw niya kung sino ang nakakuha ng pinaka mataas na score sa huli naming long quiz."Shantine Villagarcia," saad ni Sir. "Okay, class dismissed."Tipid na ngiti lang ang isinagot ni Shantine. Nagkatingan kami ni Rara na nakaupo sa kaliwa niya, ako naman sa kanan. Pareho kaming napangisi at sabay na hinila ang dulo ng buhok ni Shantine. Gan'yan kami magbatian. Hinila rin nga ang buhok namin. Mas masakit pa."Yon, o! Highest score na naman," bulalas ko."Pa-hennesy ka na, Peks!" kantyaw naman ni Rara.Napailing lang si Shantine. "'Yoko. Next time na lang. May gagawin pa 'ko.""Boo! KJ!" ani Rara na napairap pa."Gago, next time nga. Libre ko pa. Huwag muna ngayon marami pa 'kong gagawin," natatawang sambit ni Shantine. "Kayo ring dalawa mag-review na nang mabuti. Malapit na ang exam.""Ba't pa kami magrereview kung nand'yan ka naman? Ika
Last Updated: 2020-07-30
Chapter: Kabanata 2Naramdaman ko ang marahan na pagpisil ni Aivo sa kamay ko paglabas namin sa sinehan. Katatapos lang naming manood ng Joker. Na-enjoy ko naman ang panonood kahit kanina pa hindi mapakali si Aivo sa tabi ko. Maya't maya niyang tinitingnan ang cellphone niya na para bang may hinihintay mag-text.Hindi ko maiwasan hindi makaramdam ng inis noong una dahil kasama niya 'ko pero mas interesante pa siyang tingnan ang cellphone niya kaysa manood. Nang napansin niya ang pananahimik ko, mabilis siyang nag-sorry at ipinaliwanag naman niya sa 'kin kung kaninong text ang hinihintay niya. Sa kaibigan daw niyang choreographer din. Hindi raw ito makakapagturo ng sayaw dahil nabalian ito ng buto. Kailangan humanap ng substitute at siya raw agad ang tinawagan dahil alam niya ang ituturong sayaw. Nandoon na rin daw sa dance studio ang mga tuturuan ng kaibigan niya pero dahil may hindi magandang nangyari kaya kailangan nito ng kapalit."Okay ka lang?" mahinang tanong niya at nar
Last Updated: 2020-07-30
Chapter: Kabanata 1Nagmadali akong maglakad papunta sa sakayan, mabuti na lang nakahanap agad ako ng tricycle na masasakyan. Pero bago pa umandar, naramdaman kong muling nagvibrate ang cellphone ko. Napangiti na lang ako nang makita ko kung sino ang nagtext.From: Aivo Mahlabsowswit ♡Labs, saan ka na? Papunta ka na ba sa bahay nila Shantine? Ingat ka. Text mo agad ako kapag nakauwi ka na. Miss na agad kita. Sa Sunday wala kaming practice. Date tayo. Babawi ako :)Halos mapigtas ang labi ko sa sobrang lapad ng ngiti ko. Naabutan pa tuloy ako ng driver na kinikilig dahil nakalimutan kong sabihin kung saan ako pupunta. Nagmadali akong tumipa. Miss na miss ko na rin ang boyfriend ko. Naiintindihan ko naman dahil tulad ko busy din siya sa pag-aaral at choreographer din siya ng Eyes On Us. Isa itong sikat na dance group sa campus na pinangungunahan ng mga Business Ad students. Hindi naman siya nawawalan ng oras sa 'kin at hindi rin naman ako nagdedemand nang maraming
Last Updated: 2020-07-30
Chapter: Simula Simula'Maindayog pa ring gumalaw ang mga daliri niya sa loob ko habang naglulumikot pa rin ang hinlalaki niya, umiikot at dumidiin nang salitan, maindayog pa ring gumagalaw. Dinakot ng isang kamay niya ang buhok ko upang pigilan ang ulo ko. Ginagaya ng dila niya ang paggalaw ng daliri niya, inaangkin ako. Nagsimulang manigas ang mga binti ko nang lumiyad ako palapit sa kamay niya.'"Oy, peks!"Mabilis kong isinarado ang libro na hawak ko at napatingin sa buwisit na kaibigan kong si Ramona Almozera na umabala sa 'kin.Pinanliitan ko siya ng mata. "Ano?"Sinabi ko nang 'wag akong inaabala kapag nagbabasa ako. Nasa kasukdulan pa naman na si Anastasia Steele sa binabasa kong Fifty Shades of Grey na Filipino Edition, hindi pa 'ko pinatapos!"Tigilan mo muna 'yang pagbabasa ng Porn novel na 'yan. Kanina ka pa tinatawag ni Sir Arvic," saad niya habang parang kambing na ngumunguya ng chewing
Last Updated: 2020-07-30