LOGINNothing is permanent in this world. Everything changes. He promise that he will stay. But now, she's broken because he left. He left her without a trace.
View MoreNanlalaki pa rin ang dalawang mata ko nang muli siyang bumaling sa 'kin. Napansin kong bago pa lang ang mga galos niya sa mukha. Dalawa lang 'yan, e. Nakipag-away o napa-away 'to!"Hala, ano'ng nangyari sa 'yo? Ba't may galos ka sa mukha?" bulalas ko. "Nakipag-away ka ba? Shannon naman! Alam ko na bully ka pero kailan ka pa naging bayolente?"Muli siyang nag-iwas ng tingin. "Wala lang 'to. Ayos lang ako.""Ano'ng ayos ka d'yan? Kita mo nga 'yang galos sa mukha mo! Muntik pang tamaan ang bibig mo," sambit ko sabay turo sa galos niya na malapit na sa bibig. "Tss. Wala 'yan. Hina nga sumuntok. Hindi man lang ako nasaktan.""Sino'ng sumuntok sa 'yo?" nanlalaki ang mata na tanong ko.Gumuhit ang ngisi sa labi niya. "Bakit susuntukin mo rin?"Sinamaan ko nga ng tingin. Nakuha pang magbiro! "Irereport ko sa Guidance Office."Bumalik sa pagiging seryoso ang mukha niya. "Huwag na.""Anong wag na? Kailangan nilang map
Iniligay ko sa aking bibig ang dulo ng straw ng Nutella Cheesecake Milktea na iniinom ko at sinisip ito. Halos katatapos lang namin mag-lunch ni Aivo, pero dahil noong nakaraang araw pa 'ko naglalaway sa Milktea kaya naman binilhan niya 'ko.Naramdaman ko ang pagbukas sara niya sa magkadaop naming mga palad. Kanina pa niya pinaglalaruan ang kamay ko habang hawak niya. Paminsan-minsan nga kinikiliti pa. Gan'yan ang madalas niyang ginagawa kapag hawak niya ang kamay ko. Madalas tuloy sinasaway ko siya dahil malakas ang kiliti ko sa palad, pero hindi pa rin tumitigil at natatawa pa.Natanaw ko na agad ang malaking gate ng aming school habang tahimik kaming naglalakad. Itinapat ko sa bibig niya ang straw ng Milktea ko at sumipsip lang siya nang kaunti. Hindi kasi siya mahilig sa matatamis na inumin. Palaging tubig lang ang iniinom niya. No'ng first monthsary nga namin binilhan ko siya ng stainless na tumbler dahil malakas talaga siyang uminom ng tubig. Palibhas
Tahimik ang buong room habang nagsasalita si Sir Castigador dahil iaanunsyo raw niya kung sino ang nakakuha ng pinaka mataas na score sa huli naming long quiz."Shantine Villagarcia," saad ni Sir. "Okay, class dismissed."Tipid na ngiti lang ang isinagot ni Shantine. Nagkatingan kami ni Rara na nakaupo sa kaliwa niya, ako naman sa kanan. Pareho kaming napangisi at sabay na hinila ang dulo ng buhok ni Shantine. Gan'yan kami magbatian. Hinila rin nga ang buhok namin. Mas masakit pa."Yon, o! Highest score na naman," bulalas ko."Pa-hennesy ka na, Peks!" kantyaw naman ni Rara.Napailing lang si Shantine. "'Yoko. Next time na lang. May gagawin pa 'ko.""Boo! KJ!" ani Rara na napairap pa."Gago, next time nga. Libre ko pa. Huwag muna ngayon marami pa 'kong gagawin," natatawang sambit ni Shantine. "Kayo ring dalawa mag-review na nang mabuti. Malapit na ang exam.""Ba't pa kami magrereview kung nand'yan ka naman? Ika
Naramdaman ko ang marahan na pagpisil ni Aivo sa kamay ko paglabas namin sa sinehan. Katatapos lang naming manood ng Joker. Na-enjoy ko naman ang panonood kahit kanina pa hindi mapakali si Aivo sa tabi ko. Maya't maya niyang tinitingnan ang cellphone niya na para bang may hinihintay mag-text.Hindi ko maiwasan hindi makaramdam ng inis noong una dahil kasama niya 'ko pero mas interesante pa siyang tingnan ang cellphone niya kaysa manood. Nang napansin niya ang pananahimik ko, mabilis siyang nag-sorry at ipinaliwanag naman niya sa 'kin kung kaninong text ang hinihintay niya. Sa kaibigan daw niyang choreographer din. Hindi raw ito makakapagturo ng sayaw dahil nabalian ito ng buto. Kailangan humanap ng substitute at siya raw agad ang tinawagan dahil alam niya ang ituturong sayaw. Nandoon na rin daw sa dance studio ang mga tuturuan ng kaibigan niya pero dahil may hindi magandang nangyari kaya kailangan nito ng kapalit."Okay ka lang?" mahinang tanong niya at nar