Tahimik ang buong room habang nagsasalita si Sir Castigador dahil iaanunsyo raw niya kung sino ang nakakuha ng pinaka mataas na score sa huli naming long quiz. "Shantine Villagarcia," saad ni Sir. "Okay, class dismissed."Tipid na ngiti lang ang isinagot ni Shantine. Nagkatingan kami ni Rara na nakaupo sa kaliwa niya, ako naman sa kanan. Pareho kaming napangisi at sabay na hinila ang dulo ng buhok ni Shantine. Gan'yan kami magbatian. Hinila rin nga ang buhok namin. Mas masakit pa."Yon, o! Highest score na naman," bulalas ko. "Pa-hennesy ka na, Peks!" kantyaw naman ni Rara.Napailing lang si Shantine. "'Yoko. Next time na lang. May gagawin pa 'ko.""Boo! KJ!" ani Rara na napairap pa. "Gago, next time nga. Libre ko pa. Huwag muna ngayon marami pa 'kong gagawin," natatawang sambit ni Shantine. "Kayo ring dalawa mag-review na nang mabuti. Malapit na ang exam.""Ba't pa kami magrereview kung nand'yan ka naman? Ika
Last Updated : 2020-07-30 Read more